Chapter 14

1.2K 19 0
                                    

"Kung makasimangot ka dyan, para kang nabitin sa ulam!"

Menudo is my favorite meal, but tonight it tastes so different. Parang lasang mint na lahat ng kainin ko, I can't get enough Geriko's kisses. Is he thinking of the kiss too? Mukhang sanay naman na siya sa ganon. Last night, I almost gave my virginity inside his car, he was aggressive but he has the audacity to stop. Siguro nga nabitin ako.

"Kung ikaw ba naman kaharap ko kumain Jun, paano ako makakangiti?"

"Anong chika niyo ni Geriko nung byahe pauwi?"

Lumipat ng upuan si Jun sa tabi ko. "Solong solo mo ah!"

"Wala, borlogs ako." pagsisinungaling ko at tumayo na para makapagpahinga.

Yung three days namin sa Palawan parang isang taon na ng buhay ko, ang daming surprises at plot twists.

"Sana pinicturan mo yung dakota niya!Napanaginipan ko yun kanina sa byahe."

"Wala nga Jun! Di ko nga tinignan man lang." I replied while looking away.

Obviously, fabricating another lie dahil sa totoo lang, nasakyan ko pa siya.

"Virgin mary ka talaga!"

Pinunas niya ang panyo niya sa akin saka nagsign of the cross. "Saint Georgina, pray for us."

"Jun, that's not used in nonsense jokes." Liv blunted while pouring milk in her glass, "Isa pa to. Patron Saint of Holiness and Purity!"

"Bakit ba nandito ka pa? Hindi ko naman sinasabi na ayaw ka namin dito pero parang ganun na nga." biro ko kay Jun dahil sumunod siya sa akin sa kwarto ni Liv.

"Dadaan ako ng Elyu bukas. May errands lang you know ganito kasi kami sa Harvard. Si daddy busy sa business kaya walang time sa akin. Hirap maging only daughter! I'm like walang magawa always super boredom like..like..." maarteng sabi ni Jun.

Ginagaya niya ang mga babaeng nameet namin sa Palawan.

Binato ko siya ng unan, "Gago! Eleven kayong magkakapatid!"

Nilabas ko nalang ang phone ko para tignan ang pictures namin sa Palawan. Pinili ko ang picture namin ni Jun sa bangka, maganda ang shot ko dito kaya iuupload ko sa instagram.

"Bakla ka wag mo naman ako icrop."

Lumapit nanaman si Jun para tignan ang ginagawa ko sa phone. "Baka mapagkamalan ka kasing puno, Jun."

Nilagay ko ang caption, 'you're my best view, nge!'

Nagcomment naman agad ang mga kaibigan ko, una kong napansin ang comment ni Travis at Liv.

@seantravis    

Rolene, in-cancel ko na yung inuupload kong pic. Di na ako lalaban.

@thelibertychavez 

How much po yung poodle sa tabi mo? I-cash ko na ngayon.

I rolled my eyes while reading their comments. Magkasundo talaga ang dalawang yun pagdating sa kalokohan. Jun went to scold Liv dahil sa comment niya, kulot kasi ang buhok ni Jun at moreno kaya inaasar namin na mukhang poodle.

I was about to sleep but one notification caught my attention.

Sinampal ko ng malakas si Jun nang makabalik siya sa tabi ko kasama si Liv. "May pasabog ka na nanaman na nakita no!"

Agad na inagaw ni Jun ang phone at nanlaki ang mata niya nang makita ang notification ko. Sumayaw pa siya ng spaghetti pababa bago bumalik sa kama kaya hindi ko na nakuha ang phone.

#1 TATTOED BUTTERFLYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon