"Kinakabahan ako..."
I heard a cackle from Geriko. Hindi ko nga sigurado kung narinig ba niya ang sinasabi ko sa sobrang lakas ng sounds ngayon sa kotse niya. Last night, there was an unexpected planning of trip that was led by Travis. Naisipan nilang bumisita sa Bolinao.
"It's like you're my mirror, my mirror's staring back at me..." he was singing Mirror by Justin Timberlake.
"Bakit ba ang saya saya mo?" tanong ko.
Sumasayaw pa ito sa beat ng music. Kung kelan naman wala kami sa bar, dun siya sasayaw ng ganyan.
"I'm driving a 2016 Porsche 911 Turbo S Cabriolet! No reason to frown at all!" he shouted.
Bago ang kotse na sinasakyan namin ngayon. Isa itong convertible kaya nakabukas ang roof nito. Nakakainis nga dahil inayos ko ng matagal ang buhok ko pero nililipad lang ng hangin.
Nauna na ang mga kaibigan namin sa bahay nila Liberty. Sinamahan ko pa kasi si Geriko na dumaan sa bahay nila sa La Union. May ibibigay lang daw siyang folder sa papa niya.
Hininaan niya konte ang volume ng tugtog.
"Don't be nervous. Hindi naman kita ipapakilala bilang girlfriend ko. So you won't be a big deal later."
Kumindat pa ang gago sa akin!
"Sa ganda kong ito! Baka pagkamalan akong girlfriend mo, kaya kabahan ka na dyan!" pananakot ko.
"Better chill right now. Kasi pag dating doon, you'll witness raw hell."
"Okay lang. Hot naman ako..."
Ngumiti ako sakanya saka sinagad ang lakas ng volume ng music. Pinatugtog ko ang reggae instrumental at kinuha ang virtual mic niya para kumanta. Mabilis ang takbo naming ngayon sa zigzag pero hindi ko namamalayan ang bilis sa saya namin.
Nagjamming lang kami buong byahe, kahit napapaos na ang boses ko sa kakakanta, parang hindi ako napapagod dahil kasama ko siya. Isa pa, smooth lang siya magdrive kaya hindi ako nahilo.
"Ang galling mo magdrive!" puri ko nang makarating kami sa Pogo.
Hindi na kasi zigzag dito kaya sinara na namin ang roof ng car.
"Nakapagdrive ka na ba ng 2016 Porsche 911 Turbo S Cabriolet?" pagyayabang niya.
"Oo na! Ikaw na may Porsche!"
Sumimangot ako, "Motor pa lang kasi ang namamaneho ko..."
"May kotse ang kaibigan mo..." sagot niya.
"Ano naman ngayon?"
"Pano kapag may nangyari na masama sakanya, walang papalit na driver."
Tinapik ko ang braso niya. Ang tigas!
"Naku wag naman sana!"
"You should learn how to drive..." he suggested.
"Wala naman akong wheels. Pag graduate ko din siguro, bibili ako."
I smiled at him. But he just shrugged. Regalo niya kasi sa sarili niya ang bagong sasakyan niya ngayon.
"I'll teach you now."
Napatingin ulit ako sakanya. "Seryoso ka ba? 2016 Porsche 911 Turbo S Cabriolet ang gagamitin ko?"
Tumawa ako ng mahina. Hindi makapaniwala sa sinasabi niya.
"Sit on my lap. I'll teach you."
Tumitig ako ng matagal sa daan. Pinag-iisipan nanaman ang mga gagawin kong kakaiba ngayon. Pero tinigil niya ang sasakyan sa gilid kaya kinabahan ako. Seryoso nga siya!