"I don't like her, Rolene. She's making me feel ugly whenever we talk! It's like she's doing it on purpose."
Liv was wearing a graded glasses habang nakasuot ng white victoria secret's long sleeves body suit. Nakasimangot ito ngayon habang nakatingin sa malayo. Tinignan ko sila na nagtatawanan in a white cottage na pangmayaman. Rhett and Travis are swimming already. Habang si Shawn at Geriko, napapalibutan ng mga babae.
"Saan dyan?" tanong ko kay Liv.
Hinihintay pa kasi namin si France at Jun na nagpapakuha ng litrato
"The one wearing a lavender tube and black square pants."
Hinanap ko ang sinasabi niya, nakita ko sa malayo ang isang kutis porselanang babae na nag-iisa sa isang cottage. Her sunglasses is almost covering her entire face, it's obvious that were gawking at her but she seems busy in her laptop.
Thankfully, pinuntahan kami ni Travis dito, he's wearing his usual playful smile habang inaakbayan si Liv.
"Hey girls, tara!"
Kuya Torrens left early dahil busy daw maghanap buhay. Travis led our way papunta sakanila.
"Hey, kasama pala namin ang sister ni Rhett, pati friends niya. I hope you guys could get along."
The girls smiled to us, and we smiled back. Hindi nakaligtas saakin ang dalawang babae na nakadikit kay Geriko.
"Wow, I like your hair Rolene." puri sa akin ni Rhett habang nagpupunas ng buhok.
Ngumiti lang ako sakanya and sat with my friends.
The table that is placed in the middle has foods and wine prepared already. Junjun started to eat when the boys invited him, hindi manlang nagpakipot.
"Rhett, you're with Alison Marquez last night?" tanong ng isang babae.
The girls are all classy at mukhang may mga lahi.
"You know your sister hates her diba, she's rakish," maarteng sabi ng babae habang naglalagay ng sunblock, I wonder sino sakanila ang kapatid ni Rhett.
"I saw her once in starlight, she was spitting her whole intestine!" dagdag nito.
Pinapakinggan lang namin sila habang nag-uusap. I remember Alison Marquez who cursed Rhett in the road. She looks fine actually.
"So unethical!"
Maganda silang lahat at makikinis, mukhang mga super models.
Ilang sandali lang, pumunta dito ang babaeng tinuturo nil Liv kanina. She's almost like a Goddess. Maganda ang mukha niya, wala manlang anong kolorete sa mukha. Her hair was black and shiny; her fair skin is glowing at maganda ang mga ngiti nito nang papalapit sa amin.
"Liberty, dear! I didn't know you're my younger brother's friend!"
She was walking elegantly towards us, but smiling only at Liv. I can't stop staring at her face. Nagbeso sila ng kaibigan ko saka nag usap sandali.
"We kinda met sa Elyu. I didn't know you're his sister!" maarteng sabi din ni Liv. Alam ko kapag nakikipagplastikan ang kaibigan ko.
"Well, we were introduced through name tags lang so that explains it." nakangiti niyang sabi.
She looks kind and genuine. I don't see anything wrong with her.
"By the way, hi!"
Isa isa siyang bumeso saamin. "Boyfriend niyo ba ang mga playboy na 'to?"
