Suichiko
"Happy 18th Birthday! Saan ka naman nakakita na may nagregalo saiyo na multo? Ito nga pala ang special reward ko. Atat ka ng basahin nuh!-"
Ano ba naman itong si Hero. Parang bata mag-sulat. Ang hirap tuloy basahin!
"Ikaw si Suichiko Zy at hindi ko na kailangan dagdagan yung description kasi kabisado mo na. 18 years old ka na. Dinala ka sa isang ampunan sa Quezon noong bata ka pa. Maaga kasing nawala ang mga magulang mo. Pero may umampon sayo, at napabuti naman ang kalagayan mo. Tama na, hanggang dito na muna. Sana di ka nalungkot na maagang nawala ng mama at papa mo, pero sinisigurado ko sayo na naging maganda ang buhay mo kasama mga foster parents mo. Happy birthday ulit! - Hero"
Hindi ko maipagkakaila pero nalungkot ako sa nabasa ko. Maagang nawala ang mga magulang ko? Naulila na rin pala ako. Sayang naman at hindi ko sila nakilala. Pero may nagampon daw sa akin... sino sila? Paano ko kaya sila mahahanap?
Nag-iisa ba akong anak? May kapatid ba ako?
BITIN NAMAN YUNG SINULAT NI HERO!
Sabagay, okay na rin yun. Mukhang mahaba pa naman ang oras ko para malaman ang tungkol sa nakaraan ko at magawa ang misyon ko dito sa mundo. Kahit minsan iniisip ko kung paano ko magagampanan ang mga tungkulin ko bilang kaluluwa.
Hay.
Saan ko kaya itatago ang sulat na ito?
Naghanap ako ng mapaglalagyan sa kwarto ni L. Naghalungkat ako ng cabinet at nakita ko na may kahon na may katamtaman ang laki at wala naman itong laman. Kinuha ko ito at inilagay sa loob ang sulat. Kinuha ko rin ang Panda Bear ko at inilagay ito duon. Ipinatong ko sa isang sulok ang kahon kung saan hindi madaling makikita ng kung sino man ang kahon.
"Meow"
Ay! Si Potpot gising na! Katabi ko kasi siya matulog. Saan kaya napulot ni L itong kuting na ito? Dibale na, cute naman siya. Kamukha niya Panda Bear ko. Dinidilaan niya ang kamay at nagkakamot siya. Nakakatuwa naman siya pagmasdan.
Teka, ang tagal ni L ha. 1:00 na pala. Nagising ako na wala na siya sa kwarto. Aba't tinakasan ako! Saan kaya pumunta yun? Nakakainis kasi natatakasan niya ako. Akalain mo ba naman na ang multo na kagaya ko ay nakakatulog rin?
Maya-maya ay nakarinig ako ng ingay sa baba. Mukhang nakauwi na si Ate Lorain at sina Nanay Rose at Kuya Mark.
Nakarinig rin ako ng tunog ng sapatos na paakyat sa itaas. Si L na kaya yun?
Link
Magustuhan niya kaya ito?
Binuksan ko ang pintuan ng kwarto ko at nakita ko na nilalaro ni Suzy ang kuting na binigay ko. Galing kasi ako sa Sky Mall dahil may binili ako para kay Suzy na magagamit niya ngayong araw na 'to.
"Oh, nandito ka na pala!" sabi niya. "Tinakasan mo ako! Saan ka pumunta?"
"Basta" sabi ko.
"Hay nako, sumosobra ka na ha, sinabi ko na nga na di ka pwedeng umalis na walang pahintulot galing sa akin! Paano kung may nangyari sayo sa p-"
Napatigil siya noong iniabot ko sa kaniya ang paper bag na hawak ko sa kamay ko.
"Ano 'to?"
"Pahabol na regalo"
Nakatawa siyang binuksan ang box at napanganga siya sa nakita niya.
"BINILI MO YUNG GUSTO KO NA SAPATOS LINK!!!!!" sigaw niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
ФэнтезиKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...