“Nag drop po yung heartbeat niya. Pati ang blood pressure”
Nagsama-sama ang mga nurse kasama na si Yumiko pati ang doktor na si Renz at ang isa pa na si Levi sa loob ng ICU. Abala ang lahat sa pagsusuri sa pasyente na si Suichiko.
"Oxygen saturation dropped to 85"
"It can lead to Cardiac Arrest"
“200. Paddle. Ready!” sigaw ni Renz.
Agad na inassist ni Yumiko ang doktor. Dinala niya ang paddle at binigay ito sa kaniya. Inilapat niya ito sa dibdib ni Suzy at sinimulan na ang proseso.
"300. Ready!"
Napailing ang kasamang doktor na si Levi. Bumulong siya kay Yumiko.
“Take note of the time”
“Hindi pa siya mamamatay!” agad na sigaw ni Renz.
"350. Ready!"
At sa pag-angat muli ng dibdib ni Suzy ay bumalik na sa normal ang heartbeat nito.
“Doc, normal na po ulit yung heartbeat niya”
At nakahinga na ng maluwag si Renz. Ganun din si Yumiko na kanina pa pinagpapawisan at halatang kinabahan sa nangyari.
“Luckily she’s revived” sabi ni Levi bago umalis ng silid.
"Ano bang nangyari?" tanong ni Renz sa mga nurse.
"Hindi rin po namin alam. Basta't nag ring yung alarm doc" sagot ng isang nurse.
"We also checked the CCTV pero nakapagtataka na nasira ito" dagdag pa ng isa
"At hindi na po dapat nakaduty si Yumiko ngayon" sabi ng Head Nurse.
"Sige makakaalis na kayo" bulong ni Renz.
Umalis na ang mga nurse ngunit nanatili si Yumiko sa isang tabi malapit sa bintana. Nakita niyang napaluhod na lamang ang doktor habang ahwak ang kamay ng dalaga.
“Doc” bulong ni Yumiko.
“I’m fine”
Noong naramdaman na ni Yumiko na kailangan niyang umalis ay nagsimula na siyang maglakad ng mabagal. "Sige po--"
“Wag muna… please?”
Lumuluha ang doktor habang ibinaon ang kaniyang mukha sa kumot habang hawak pa rin ang kamay ni Suichiko.
“Wag muna, hindi ko pa kaya. Wag ka munang aalis”
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantastikKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...