II-27 Watch

2.1K 62 21
                                    

Hello! Happy 7.8+k reads! Uyy, ang raming nagreact sa pagpasok ni Renz! :)) Makikita niyo ngayon sa multimedia ang fiance ni Suzy (uy may magrereact ulit hahaha!) na siyam na taon ang tanda sa kaniya. Ay oo nga pala, kung nauna niyong nabasa ang chapter ng Concede, ang nailagay ko ay anim na taon kesa sa siyam na taon na agwat nila ni Suzy. Binago ko na ayun, typo kasi eh, peace! So 27 years old na ang doctor na si Renz. Kung bakit napakabata pa niya? Alamin! Hihihi :D Anyway! Heto na, nasasabik na akong ipost ang chapter na ito. \m/ enjoy! ♥

------------------------------------xx*♥

December 17, 2013

"Oh na-Friday the 13th daw kayo" 

Nagsalita si Julius habang inaayos ang drumset niya. Nasa loob na sila ng Music Room ni Neil noong dumating sina Ellery, Link at Gabriel. Agad namang umupo muna ang tatlo sa silya para magpahinga ng saglit.

"Diba 13 nung Friday? Mukhang minalas kayo ah. Hindi na kami nakadalaw kasi wala na kayo sa ospital nung Sabado. Ano bang nangyari?" tanong ni Neil.

"Hero mo daw si Gab, ah Ellery" sabi ni Julius. "Mukhang may loveteam na sa banda" pangaasar Neil.

"Ano ba kayo, tama na nga yan! Mag-start na nga tayo" ani Ellery sabay tayo. 

Ibinaba ni Link ang guitar case at isinabit sa katawan niya ang gitara niya. Si Gab naman ay kinuha ang microphone at nag mic test.

"Oh Gab, kamusta ka? Okay na ba yang sugat sa ulo mo pagdating ng Student's Night?" tanong ni Neil.

"Oo naman, ang bilis nga ng recovery eh" sagot ni Gab 

"Eh ikaw Ellery, yang braso mo?" ani Julius

"Yiieee concern sya saken" pangaasar ni Ellery kay Julius "Okay lang, gagaling rin ang braso ko, ang importante eh ipanalo niyo 'tong contest okay?"

"Magpagaling ka nga" ginulo ni Julius ang buhok ni Ellery "Ikaw dapat galingan mong mag drums!" pabalik na sagot ni Ellery

"Oy, oy, oy, start na tayo" kumento ni L habang natatawang nakatingin kay Gabriel na nakatingin sa ibang direksyon.

"Hala, sige start na" sabi ni Ellery noong umupo siya sa harapan nila. Pumunta na rin sila sa kani-kaniyang puwesto.

"One, two"

"One, two, three, go-"

.

.

.

.

.

Panibagong araw na naman para kay Yumiko ang araw na ito para sa Internship. Kakabalik lang ni Yumiko sa Nurse Station noong tinanong siya ng kapwa niya nurse na si Katya.

"Anong oras mo pupuntahan si Ms. Zy?"

"Mamayang 3PM po" sagot ni Yumi.

Bigla namang lumapit ang isa pang nurse na lalaki na si Jethro "Pwede ba kaming magtanong sayo?"

Tinignan siya ni Yumiko "Opo, oo naman"

"Ah kasi Yumi, naiintriga lang kami kay Doc Renz" ani Katya "I mean may alam ka ba tungkol sa kaniya at kay Ms. Zy?"

Napatawa ng bahagya si Yumiko. May pagkatsismoso rin pala ang Jethro at Katya na ito - bulong niya sa isip niya. Nagsalita siya "Bakit?"

"Bali-balita kasi na magkababata sila" sabi ni Katya "At sabi rin, baka daw girlfriend ni Doc Renz si Ms. Zy"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon