Para kay jieliahdulza, kailan ang update? Ngayon! :) Salamat sa paghihintay :D Sorry kung lame update. Share your thoughts, comment and vote! :) *if may nagbabasa pa.... huhu* And, thanks sa very pretty kong chingu na si Iamhalle na namimiss na daw ang istorya na ito at muling nakagawa ng napakagandang cover ng istoryang ito. Saranghae~
------------------------------------xx*♥
Nakaupo ng magkakatabi sina Jong, Hoya, Dodong, Walter, at Gab sa gilid ng soccer field habang kumakain ng popsicle stick. Si Jong ay kanina pa nakatingin sa salamin habang nagaayos ng buhok, si Hoya naman na kanina pa yumuyugyog ang ulo habang nakasalampak sa tenga ang kaniyang bagong bili na headphones, si Dodong na kanina pa tumatawa habang nagbabasa ng mga meme sa Facebook, si Walter na mukhang inaantok pa at si Gabriel na mukhang nayayamot.
Napatingin si Walter kay Gabriel.
"Hoy Daga, ba't ba yamot na yamot 'yang mukha mo?"
"Hay" napaismid si Gab "Hindi pa kasi ako tinetext ni... Ellery"
"Ayon naman pala, kaya di maipinta yung mukha mo" agad na inakbayan ni Walter si Gabriel "Hayaan mo, itetext ka rin nun, huwag kang mag-alala"
"Hay nako Daga, ke-aga aga, nakasimangot ka. New Year pa naman" kumento ni Jong "Hindi ka matitipuhan ni Ellery kung ganyan mukha mo" dagdag pa nito.
"Vain" kumento ni Hoya noong ibinaba niya ang headphones at isinabit sa leeg "Nahiya naman ako sa kagandahan mo.Yan dapat ang tawag sayo, Jong" dagdag pa nito habang nakatingin kay Jong.
"Oo maganda ako, magandang lalaki" pagmamalaki ni Jong.
"HAHAHAHAHAHA---HAHAHAHAHAHA!" biglang tawa naman ni Dodong.
"Hala, nabaliw na" nakakunot-noong sabi ni Hoya "Tawa ka ng tawa diyan!"
"Eh kasi ang kukulit ng posts sa Metropolitan University Sparks HAHAHAHA! May mga meme pa nga eh, ang benta"
"Onti na lang, gagawan kita ng meme doon" sabi naman ni Jong
"Oh tapos?" sabat ni Walter
"Wala lang" sagot ni Dodong "Tapos 5,000 likes na yung picture ni L kasama si S na blurred ang picture"
Napa-facepalm si Walter "Hindi siya nag-gi-give up kay S" sabi nito sa sarili.
"2014 na, hindi pa rin pinapakilala yung S na yun" sabat ni Gabriel.
"Eh parang hindi naman totoo si S eh" sabi naman ni Hoya "Isipin niyo, tatlong buwan na walang malay si Link, tapos noong nagising siya, agad-agad, may girlfriend na siya? Eh diba patay na patay si L kay Thea noon"
"Pero may confession na siya noong Student's Night" sabi ni Gab "Kahit ako nagulat eh, kayo ba hindi?"
"Saka we just assumed na si S yun kasi yung kanta niyang "S" ay dedicated sa babaeng dinescribe niya sa Battle of the Bands, and of course dahil sa picture na yan" sabi ni Jong
Bigang tumayo si Dodong with matching fist in the air "Isa lang ang sagot diyan, ang makausap yung kumuha ng litrato"
At sabay-sabay napa-facepalm ang lahat.
"Alam mo Dong, paulit-ulit ka eh" sabi ni Hoya
Ngumiti naman si Dodong at sinabing "I am Detective Dorwin"
"Ulol!" sigaw ng lahat.
"Kaibigan ko ba talaga kayo? Ba't hindi niyo na lang ako suportahan? Pag ako nakilala ko si S pag tinanong ko si......."
Nagsalita ng nagsalita si Dodong at hindi na pinakinggan ng buong barkada ang mga sinasabi niya. Sa isip nila, ang daldal niya at maraming satsat.
"Teka, asan na nga ba si Link?" tanong ni Gabriel
![](https://img.wattpad.com/cover/9158866-288-k518007.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasiaKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...