[SPECIAL + NOTE] Supernatural Profiles

705 36 5
                                    

Note:

Don't worry, I am not giving up on this story, sorry kung matagal talaga akong mag-update for some personal reasons. But hindi ko naman kinakalimutan ang story, okay? Minsan habang nagbabyahe ako iniisip ko yung mga scenes sa utak ko, mga lines hahaha parang baliw lang, charot!

Please don't give up on me! I know I am not the best writer or author pero I am doing my best to entertain you and your myungzy feels, to widen your imagination and ma-excite per chapter. Sorry kung bitin every chapter, kasi kahit mismo ako pag binabasa ko yung sarili kong gawa nasasabi ko na lang "SHET BAKIT BITIN" tapos mag be-brainstorm ako hanggang sa mabaliw na ako hahahaha charot!

Charot ako ng charot pero di ko kayo chinacharot ha!! Seryoso ako, matatapos ko din ang istorya na 'to. Peksman mga bae *pabebe wave*

At dahil mahal ko kayo, eto bibigyan ko kayo ng special update para ma-excite kayo sa mangyayari!!!!!!

By the way, itong special update na ito ay related pa rin sa story and sa upcoming chapters or pwedeng maging part ng susunod na chapters so.... enjoy!

----love lots, kishie <3

-------------------------------------------**xxxx


Isang araw bago ang sunog sa Metropolitan University- Science Department...


Nasa harapan ng computer ngayon si Michelle. Sa kaniyang computer desk ay nakapatong din ang kaniyang tablet, mga libro, pagkain at kung ano-anong notebook. Abala siya sa pagta-type sa kaniyang "secret database" kung tawagin niya.

Pinindot niya ang isang file folder at maraming document files ang lumabas sa computer screen. 

Binuksan niya ang file na "SUPERNATURAL ENCOUNTERS" 


"I am Michelle, a third-year college student from Metropolitan University. I've been researching about supernatural activities dealing with spirits and souls since I was 14 years old. Akala ko nababaliw na ako dahil kakaiba ang hilig ko, pero gusto kong patunayan ang mga alam ko at ang mga nakita ko. Every account of events on these files were my own experiences until just recently when I met some friends who also share the same fate as mine. All of my theories and researches became as clear as day, like a flash of luminous light in a dark of night because of my supernatural encounters with them. I met Walter, Link and the friendly ghost named Suichiko--- who isn't actually a ghost, but a soul wandering around dahil hindi pa siya makabalik sa katawan niya. She isn't dead, yet..."


Matagal na palang gumagawa ng diary si Michelle para sa mga kakaibang nararanasan niya mula pa noong bata pa siya. Sa loob ng folder ay may kasamang mga documents tungkol sa mga nareresearch niya, mga theories at iba pa. 


"I don't know if it is a god-given gift, but I think I acquired a sixth sense"


Patuloy siyang nag-basa sa mga isinulat niya.


"I can sense and sometimes visualize something that can occur in the future... or someone who is close to death"


Matapos niyang dagdagan ang kaniyang records, she saved the file and clicked another folder.


"So I should do dome profiling" bulong niya.


Pagkapindot niya sa folder ay lumabas lahat ng profile na iniipon niya.

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon