Ang mushy slash cheesy slash fluffy ng past chapters. Pa-thrill muna ng slight. Enjoy! Anyway salamat sa continuous support, long comments at votes, appreciated yun lahat! Tiyagaan niyo na yung chapter, sorry if boring :( Hihihi salamat! :D
------------------------------------------xx*♥
Link
Maaliwalas. Mabango. Nakita ko ang sarili ko sa loob ng isang hardin. Sa paligid, punong-puno ng bulaklak at halaman. Tinignan ko ang paligid at inisip kung anong lugar ito at kung bakit ako dito napadpad.
"Link"
Tumingin ako sa likod at nakita ko si Suichiko na nakangiti sa akin. Nakasuot siya ng mas mahabang bistida na puti, nakatirintas ang buhok ngunit napansin kong nakayapak siya.
"Halika" Masaya niyang sabi.
"Nasaan tayo?" tanong ko noong papalapit ako sa kaniya.
"Sa paraiso" sagot niya.
Paraiso? Saan ang lugar na ito? Mukhang hindi naman ito purgatoryo, at hindi rin naman langit dahil hindi pa naman ako napapadpad duon.
Nakita ko siyang pasulyap-sulyap sa puting rosas na malapit sa fountain. Bigla naman siyang tumakbo para habulin ang mga paru-paro sa paligid. Naglakad ako papunta sa mga puting rosas at pumitas ng isa. Lumingon ako at tinawag ang pangalan niya.
"Suzy"
Hinarap niya ako ng nakangiti. Lumapit ako sa kaniya at iniabot ang rosas. Tinignan lang niya ito ngunit kita ko naman na natuwa siya at lalo pang lumapad ang ngiti niya. Ngunit biglang nagbago ang ngiti niya noong tinignan niya ako ng seryoso.
"Hindi mo ba talaga ako iiwan?" tanong ni Suzy sa akin.
Tila nagtaka ako sa tanong niya.
Sumagot ako "Bakit? Bakit kita iiwan?"
"Hindi mo ako bibitawan?" muli niyang tanong.
"Oo" sagot ko.
"Hindi mo ako ipagpapalit?"
"Bakit mo tinatanong sa akin iyan, Suzy? Hindi kita ipagpapalit"
"Salamat Link"
Kinuha na ni Suzy ang puting rosas sa kamay ko. Ngunit nagulat ako na pagkahawak niya ay biglang naging kulay itim ang rosas. Tinignan ko siya at tila unti-unti siyang naglalaho sa paningin ko. Ang paligid na kanina'y hardin ay binalot ng kadiliman.
"Kaya mo bang... mamatay para sa akin?" narinig ko ang tinig niya.
"Suzy!" sigaw ko.
Pakiramdam ko'y lumulutang ako. Lumamig ang paligid, naging maingay at nakakatakot. Hanggang sa isang malalim na boses ang narinig ko.
"MAMAMATAY RIN SIYA!"
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasíaKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...