II-34 Time Turner

1.6K 57 14
                                    

Kung maibabalik nga ba ang oras... maitatama mo nga ba ang lahat?

-------------------------------------XX*♥

Chapter 34 ---- Time Turner

-------------------------------------XX*♥

"Anong ibig mong sabihin?!"

Galit na kinwelyuhan ni Link si Hero. Nanginginig ang mga kamay niya habang pigil na pigil ang sarili na makagawa ng hindi magandang bagay sa lalaking kaharap niya. Kalmado lamang na nakatayo at nakatingin ng deretcho si Hero sa kaniya.

"Mawawala siya habang buhay? Anong kalokohan yun?" giit ni Link "Poprotektahan ko siya gaya ng pagpoprotekta niya sa akin. Magagawa namin ang misyon at makakabalik siya sa katawan niya. Hindi ko hahayaan na mangyari---"

"Hindi siya mawawala, kung gagawin mo ang sinasabi ko" pagputol naman sa kaniya ni Hero "Binalaan na kita. Sinabi ko iyon, para mapangalagaan ko kayong dalawa"

"Pero bakit? Ang hirap naman ng hinihingi mo! Alam na alam mo naman na siguro ang nararamdaman ko para sa kaniya. Hindi ko kayang gawin ang sinasabi mo" sagot ni Link.

"Balang araw, maiintindihan mo rin" malumanay na sabi ni Hero "Ayoko lang na... matulad ang isa sa inyo"

Lalong hinigpitan ni Link ang pagkakakapit niya kay Hero.

"... sa akin"

At biglang naglaho si Hero sa hangin.

-------------------------------------XX*♥

Suichiko

Ang huling naalala ko na lamang ay ang isang malakas na ilaw noong nahawakan ko ang relo na pinapakuha sa akin nina Walter at Michelle.

Isang lumang relo na kulay ginto, may mahabang kwintas at mukhang antigo na.

Mabilis ang mga kaganapan, naramdaman kong para akong nahuhulog, umikot ang paningin ko at naglaban ang iba't ibang liwanag sa mga mata ko dahilan para mapapikit ako at magdasal na sana, kung saan man ako mapadpad ay maging ligtas ako.

Sa pagmulat naman ng mga mata ko ay nasa isang madilim na silid na ako. Pilit kong hinanap ang daan papalabas ngunit hirap akong makakita sa dilim. Nagumpisa na rin ang kaba ko noong nakaramdam ako ng lamig ng hangin na tumagos hanggang sa kalamnan ko.

Nasaan na nga ba ako?

Hanggang sa nakita ko ang pagbukas ng pinto at pumasok ang isang malakas na liwanag. Sinundan ko ito, naglakad ako papalapit sa liwanag at sa paglabas ko ay napunta na ako sa ibang lugar.

"Kahit anong mangyari ay wag kang aalis dito sa kwarto na 'to. Hahanapin ko ang kapatid mo. I love you"

Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon