|Suichiko|
Hindi ko alam kung saan ko nais pumunta
Pakiramdam ko, parang naglalakbay ang isip ko
Pero wala itong tiyak na direksyon
Walang tiyak na daan
Ramdam ko pa rin ang init
Ang dampi
Ang pagtulo ng luha
Gusto kong tumigil ang oras
Noong mga sandali na iyon
Pero wala akong magawa
Kundi ang maglaho
Wala akong maisip na lugar
Na nais mapuntahan
Pakiramdam ko, ang buong kaluluwa ko
Ay nakikiisa na lamang sa direksyon ng hangin
Kung saan ito mapupunta?
Walang katiyakan
Basta't gusto kong mag-isa
Basta't kailangan ko lang ay ang makalayo
Ang lumayo kahit panandalian lang
Kahit sa pinaka-importanteng tao pa sa buong buhay mo
Kailangan mong pigilan, sabi nila
Kailangan mong tiisin, sabi ng isip
Kailangan mong magpakatatag
Kailangan mong iwasan
Dahil sa mga panahon
Na nagtatalo ang puso at isipan
Sarili mo lang ang dapat asahan
At isipin ang kaligtasan
Ng taong pinaglalaanan
Ng iyong nararamdaman
At sa mga araw na ganito ang nararamdaman
Na nasa pagitan ka ng buhay at kamatayan
Sa mundong ito
Hindi mo alam kung saan ka nababagay
Gustong bumalik
Ngunit gusto mo ring lumayo
At patuloy ka pa ring naglalakbay
Na hindi alam kung saan patutungo
Ikaw ba'y mananatili
Kahit sa kakaunting sandali?
O tuluyan nang lilisan?
———————————-xx*
I wanna hug Suzy right now. >:*< Huhu
Thank you for reading!
Tapos na po ang Beautiful Disaster...
Joke!
Yung full chapter, ipopost ko soon! Kakatapos lang ng exam ko so I'm free! Any advise kay Suzy or any concerns or any questions? Feel free to leave some comment here hehe.
Babalik sa eksena sina Yumi at Renz so ayun sana kumapit lang kayo sa story hehehe hopefully matapos ko itong story this May. *crossfingers* Thank you, see you sa next chap!
![](https://img.wattpad.com/cover/9158866-288-k518007.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasíaKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...