5:00 pm
Ngayong araw na ito ay makakalabas na sa ospital si Link. Habang nagtitiklop ng damit si Lorain ay nagbibihis naman sa loob ng CR si Link at si Suzy naman ay ganun pa rin, dating gawi, mula sa kwarto ni Link ay tumatagos siya sa iba't ibang kwarto at tila nagpapaalam sa mga pasyenteng bata.
"Babye! Makakaalis na ako dito! Babye! Sana gumaling na mga sakit niyo at sana ginagawa ng maayos ng mga Guardian niyo yung trabaho nila!"
Noong matapos siya, mayroon siyang nakitang isang lalaki sa labas ng isang kwarto at nakitang lumusot rin sa pader para makapasok. Tila nakakita siya ng isa pang katulad niya.
"Whoah. Guardian rin kaya ito? O multo?"
Sinundan ni Suzy ang lalaki sa loob ng kwarto. Maya-maya ay nakita niya ang lalaki na hinawakan ang pulso ng pasyenteng nakahiga sa kama. Payat, walang malay at maraming nakakabit na mga aparato ang pasyente, at sa pagkakakita niya rito ay natandaan niya ang kalagayan ni Link, mga tatlong buwan ng nakakaraan.
"Mukhang lumalaban ka. Tama yan, hindi mo pa oras" bulong ng lalaki sa tenga ng pasyente.
"Sino ka? Katulad rin ba kita?" tinanong ni Suzy sa lalaki.
Nagulat ang lalaki sa kaniya ngunit ng makita ang kaniyang mukha ay ngumiti ito kay Suzy.
"Nandito ka pala, Suichiko. Bakit ka nandito?"
"Kilala mo ako?" tanong ni Suzy.
"Oo naman, naaalala ko, mga tatlong buwan ng nakakaraan" tumigil siya sa pagsasalita at nilapitan si Suzy.
"Bumigay na ang katawan mo, dinala kita sa Purgatoryo, pero lumalaban pa ang kaluluwa mo" hinawakan niya ang kamay ni Suzy.
"May kakaiba sa mga kamay mo"
Hindi kumportable ang pakiramdam ni Suzy sa lalaki na ito kaya naman agad-agad niyang inalis ang kaniyang kamay at sinabi "Pasensya ka na, pero sino ka ba?"
"Ako si Yosh"
Suichiko
Yosh?
Ah kilala ko ito! Nabanggit na ni Hero kung sino siya. Isa rin siyang Soul Guardian na gaya ko.
"Ikaw si Kamatayan!"
Mukhang gulat na gulat siya sa sinabi ko. Mali ba ang nasabi ko? Eh, siya naman talaga si Kamatayan diba?
"Hindi ako si Kamatayan, ako si Yosh"
"Pero ikaw yung sumusundo at kumukuha ng mga kaluluwa at dinadala sa Purgatoryo, edi ganun na rin yun, ikaw si Kamatayan"
"Yun lang ang trabaho ko, pero hindi ako si Kamatayan. Tss"
Teka, ba't siya nandito? Hala! Susunduin na ba niya itong pasyente na ito?
"Bakit ka nandito?" tanong ko.
"Tinitignan ko lang itong si Jeremy. May sakit siya na Cancer. Mukha namang lumalaban siya kaya di ko pa siya kukunin" sabi niya.
"Siguro naman, ayaw mong makita akong gawin ang trabaho ko diba? Ang makita mo sa dalawa mong mata, na may kaluluwa na akong kinukuha"
Natakot ako sa sinabi niya. Siyempre ayoko talaga.
"Maswerte ka" sabi niya
"Paano mo nasabi?"
"There's something special in you, something special that Fate is protecting you" bulong niya.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasiaKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...