Nagtatanggal ako ng stress ngayon kaya ako nag-update :) Kamusta ang previous chap? Kamusta ang 'date' kuno nila? Eh yung special chapter na bigla bigla na lang sumulpot na parang kabute? Hihi kinilig ako eh hahaha. Anyway, salamat sa mga patuloy na nagbabasa. Salamat sa mga nilalagay ang istoryang ito sa reading list nila o sa library :"> active or silent reader ka man, mahal kita! Enjoy! Comments, reactions and votes will be loved and appreciated!
Dedicated kay chingu Iamhalle dahil... BASTA. Subaybayan na lamang ang chapter na ito.
--------------------------------------♥
Nakapikit habang nakasandal si Link sa paborito niyang tambayan, sa malaking puno na nasa likod lamang ng building nila, as usual. Hinahampas siya ng malamig na hangin habang naririnig niya ang pagaspas ng mga halaman at puno sa paligid.
"Link Tuazon" bumulong si Suzy na nasa tabi lang niya.
"Hmmm"
"Natutulog ka ba talaga?" tanong nito
"Oo, tulog ako"
"Sasabihin mong tulog ka eh narinig mo nga ako tapos sinagot mo pa tanong ko"
"Eh kasi hanggang sa panaginip, ikaw lang nasa isip ko eh" sagot ni Link noong minulat ang mga mata niya at inilapit ang mukha kay Suzy.
Lumayo naman ng bahagya si Suzy at umiwas ng tingin "Wag mo nga akong lokohin, bumangon ka na, may practice kayo diba?"
"Inaantok pa ko eh" sabi ni Link na bumalik sa pagkakasandal sa puno.
Nanatili sila sa ganoong pwesto ng mga ilang minuto bago tuluyang nagsalita si Link para basagin ang katahimikan ng dalawa.
"Tungkol sa sinabi ko sayo nung isang araw" sabi niya "Hindi mo pa sinasagot"
Naalala na naman ni Suzy ang mga salitang binitawan ni Link para sa kaniya.
"Kapag nagawa na ang misyon, at nagising ka na, ako ang una mong kaibigan. Pero sa panahon na yun, kung ganun.... s-s-sa p-p-anahon na i-i-iyon... pwede na kitang ligawan?"
Tila namuo ang dugo ni Suzy sa kaniyang pisngi "Ahhhhh, eeehhhh"
"Okay lang, hihintayin ko na lang ang sagot" pinutol ni Link ang pagsasalita ng dalaga "Wag kang mag-alala, permisyo pa lang ng panliligaw ang sinabi ko sayo. Saka ang kundisyon, pagkagising mo sa katawan mo, saka ako manliligaw diba?" dagdag pa niya.
"Ahhh" nakahinga ng maluwag si Suzy "Okay"
Ngunit napabaling ng tingin ulit ang binata sa kaniya "Pero kung hihingin ko ba agad ang kamay mo, papayag ka na pakasal tayo?"
"Ano?!" gulat na sabi ni Suzy "Ni hindi pa nga ako nagigising sa katawan ko kasala agad agad tapos hindi ko pa nga alam yung tungkol sa nangyari sa akin sa nakara-"
"Oh hinay lang, joke lang" sabi ni Link habang takip takip niya ang bibig ni Suzy.
"Link naman eh!" agad-agad na sigaw ni Suzy noong inialis ang kamay ni Link sa bibig niya
"Haha, namumula ka" natatawang sabi ni Link habang pisil pisil ang mukha ni Suzy "Ang cute mo talaga. Biro lang"
"Ikaw talaga!" sabi ni Suzy bago tumayo "Dali na, pumunta na tayo sa practice ninyo!"
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasíaKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...