SPECIAL CHAPTER po ito :) 30 minutes kong ginawa. Haha kinilig ako sa previous chapter eh... (Ano ba kasi Link.. naman ehh :"">) Ayun at dahil baka mamayang gabi ko pa maipopost ang kasunod na chapter, wala lang, trip lang ang Special Chapter na ito. So ayun di siya kadugtong ng huling chap. ♥
Enjoy!
----------------------xx♥
♫♪ I don't want another pretty face
I don't want just anyone to hold
I don't want my love to go to waste
I want you and your beautiful soul♫♪"Kung bibigyan ako ng isang araw na maging tao muli, saan mo ako dadalhin?" tanong ko sa kaniya.
Halos ilang buwan ko na siyang nakakasama at naging kaibigan. Alam kong mahaba pa ang lalakbayin namin para matapos ang misyon pero kung magkaroon nga ng pagkakataon na maging tao ako, kahit isang araw lang, ano kayang gagawin namin?
"Bakit mo naman natanong?" pabalik na tanong ni Link
"Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko" sabi ko.
"Hmmm" bulong niya "Hindi ko alam" sagot ni Link.
Tss. Nakakaasar itong lalaking ito. Minsan sweet, minsan naman parang kasing laming ng yelo o kasing pait ng ampalaya. Minsan ang asim sa kasungitan.
"Dali na sagutin mo na kasi!" pagpupumilit ko.
Tinitigan niya ako sabay ngiti. "Dadalhin kita kahit saan" sabi niya.
Tumayo ako at umikot sa harapan niya. "Isipin mo, tao ako ngayon" sabi ko "Oh dali, halika na, saan mo ako dadalhin?" tanong ko.
"Sa restaurant kasi patay gutom ka" sabi niya.
Ngumuso ako. "Ang sama mo naman! Pag ba palaging gutom, patay gutom agad?"
"Oo kaya" sabi niya sabay tawa ng malakas.
Meron pa ba siyang ibang makabuluhang sagot? Sana dalhin niya naman ako sa lugar na di ko pa alam o hindi ko pa napupuntahan diba?
Ganyan ba pag nanliligaw? Tss.
"Bukod pa duon, saan pa?" tanong ko.
Biglang tumayo si Link sabay naglakad at kumuha ng tuwalya sa cabinet.
"Hoy, saan ka pupunta?" tanong ko.
"Sa banyo, sama ka?" tanong niya.
"Bastos!"
"Joke lang, haha" sabi niya.
Madalas akong pagtripan at biruin ni Link. Kung sabagay, ganyan naman talaga siya. Hindi siya titigil sa pangaasar sa akin. Mas mabuti naman yun kesa abutin siya ng regla sa kasungitan hindi ba?
Maya-maya ay mayroong nagsalita sa likod ko "Hello, Suichiko"
"Ay kabute!" sigaw ko dahil sa gulat. "Fayelee?" gulat kong sabi noong nakita ko na si Fayelee ang nagsalita.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasyKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...