"Yumi, kailangan kong mahanap kung nasaan ang katawan ko... kung saan itinatago ni Renz"
Naglalakad lamang si Yumiko papasok ng ospital habang si Suichiko naman ay nakasunod sa kaniyang kapatid na tila kinakausap ito at umaasang naririnig rin siya.
"Kailangan ko rin na mahanap ang diary ko" dagdag pa ni Suzy bago siya sumunod kay Yumiko sa loob ng elevator.
Patungo si Yumiko sa opisina ni Renz. Nakatanggap kasi siya ng tawag mula sa kaniya noong isang araw kaya naman pagkabalik niya mula sa Amerika ay pumunta na siya agad duon.
"Good afternoon po"
"Pasok ka"
Nakita ni Suichiko na hawak ni Renz ang kaniyang diary at binabasa ito. Ipinatong niya ito sa lamesa at hinarap si Yumiko.
"Ang diary" bulong ni Suichiko.
"Good to see you, Yumiko. Nagbalik ka" sabi ni Renz "Have a seat"
"Good to see you rin po, Doc. Ano na nga pong balita kay... Suichiko?" tanong ni Yumi.
"Ah. Iyon nga ang dahilan kung bakit kita pinatawag" sabi naman ni Renz "Remember my offer before? Hindi ko na nga lang muna itutuloy ang pagdala sa kaniya sa Amerika. Pero she still needs extra care and I'd like to ask that from you"
"I'll give you the first 4 hours of work dito sa hospital. Then the next 10 hours, or even 12, gusto ko ikaw ang bahala kay Suichiko"
Nagtanong muli si Yumiko "Nasaan po ba ang room ni Suichiko?"
"Iyon ang pupuntahan natin ngayon"
Tumayo si Renz at binitbit ang diary. Sumunod lang si Yumiko papaalis ng opisina.
"Ugh! Ba't dala-dala mo pa diary ko kahit saan?!" dismayadong sabi ng multo habang patuloy siyang sumunod sa dalawa.
-------------------------------------------xx**
Tila pamilyar kay Suichiko ang daan na tinatahak ni Renz. Nakasakay siya sa isang tabi ng kotse habang si Renz ang nagmamaneho ng sasakyan. Si Yumiko naman ay nasa tabi ni Renz.
At tama nga siya ng hinala, narating niya ang bahay niya.
"Dito ang bahay ni Suichiko"
Namangha si Yumiko sa laki ng bahay. Nakikita rin niya ang malalaking photo frame na nakadikit sa pader ng bahay. Puno ito ng mga litrato ni Suichiko, buhay na buhay at nakangiti.
"Yaya Ponz"
Napaharap si Yumiko sa matandang kasama ni Renz.
"Siya si Yumiko, ang private nurse ni Suzy"
![](https://img.wattpad.com/cover/9158866-288-k518007.jpg)
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasyKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...