May mga ipapakilala akong bagong characters sa istorya, mga apat sila, at nandito na yung una. Yung iba, sa mga susunod na chapters na lang. Sorry kung rumarami ang mga kasali sa istoryang ito XD Sana gets niyo pa rin ang storyline.
Tama na ang daldal author, game na.
-----------------------------------------------------xx**♥
Chapter 20
Mag-a-alas-dyis na ng gabi, ngunit nasa loob pa rin ng bar sa Makati si Lorain. Nakapangalumbaba siya habang ibinaba ang pang-anim na shot glass sa lamesa. Sa pangatlong upuan naman nakaupo ang nag-aalalang si Mark na kanina pa gustong patigilin si Lorain sa pag-inom.
"Ma'am Lorain" wika ni Mark "Tama na yan"
"Kaya ko pa" bulong ni Lorain "Isa pa nga, please" sabi nito sa bartender
"Anong oras po tayo aalis dito?" tanong ni Mark.
Hindi sinagot ni Lorain si Mark.
"Ano ba?!" sigaw niya noong humarap siya kay Mark na ngayon ay nasa tabi na niya. Napansin ni Mark na mayroong luha sa kaniyang mga mata.
Kaya naman tinanong niya si Lorain "Umiiyak po ba kayo?"
"Umalis ka muna, please?" sagot ni Lorain bago siya umiwas ng tingin.
May kinuha si Mark mula sa kaniyang bulsa. Iniabot niya ang kaniyang panyo sa kaniyang amo at sinabi "Hindi bagay sa inyo ang umiiyak"
"Umalis ka na, Mark" sabi ni Lorain pagkatapos niyang tapikin paalis ang kamay ni Mark na may hawak na panyo.
Napailing si Mark saka nagsalita "Bakit po ba kayo umiiyak?"
Tinitigan siya ng mabuti ni Lorain. "Nagmahal ka na ba, Mark?" tanong niya.
Napakamot ng ulo si Mark. "Hindi pa ho ako nagkakanobya"
Umiwas ng tingin si Lorain sabay inom sa shot glass "Siguro nga't hindi mo maiintindihan"
"Malay mo maintindihan ko" kinuha ni Mark ang shot glass mula sa kamay ni Lorain. "Hindi naman ako tanga-tanga sa mga ganiyang bagay, Di pa man ako nagkakaron ng girlfriend, hindi ibig sabihin nun e wala akong alam sa mga bagay na tungkol sa pagmamahal"
Maya-maya ay narinig ni Mark na pilit na tumawa ang amo niya kasabay ng pagpatak ng mga luha nito.
"Ah, ay, ang daldal ko. Pasensya na" paumanhin ni Mark.
"Mark" sambit ni Lorain "Patay na siya, si Christian. Pero nagparamdam siya. Nakita ko siya sa hospital noon. Buhay na buhay siya sa paningin ko. Nahawakan ko pa ang kamay niya"
"Gabi-gabi ko siyang napapanaginipan" napahawak si Lorain sa ulo niya.
"Nababaliw na yata ako" ito ang huling salita ni Lorain bago bumagsak ang ulo niya sa lamesa.
BINABASA MO ANG
Beautiful Disaster: Soul Guardians (Updated, 2020)
FantasyKaluluwang masayahin, bungisngis, matakaw at walang kaartehan sa katawan. Tumatagos kung saan-saan, nagagawang invisible ang mga bagay bagay, at marunong manggamot ng karamdaman. Nakabuntot sayo saan ka man mapadpad, poprotektahan ka sa kapahamakan...