XV - Dinner

7.5K 194 2
                                    

Author's Note:
#985 po tayo sa romance. 1.18K reads. Would you believe that? Akalain mo yun?
Anyway, sorry sa late update. Na dengue po ako and I stayed 7 days sa hospital. Hindi po ako makapag UD don kasi ang taas ng lagnat ko. Ingat po tayo sa lamok.

Gusto ko pong magpasalamat sa aking bagong follower na si sEcReTsNoWy_BaBe03.

Thank you kina KitkatPanuelos, scareletteredautumn, at kay annmendaros09 sa pag-add ng story na to sa kanilang reading list.

oniagladymae and khen_32 thank you for voting.

Please feel free to vote, comment and follow my profile. Thanks a bunch! xoxo

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

Halos magkasunod lang kaming dumating ni Gio sa Lucita's, ang restaurant kung saan kami magdidinner. Sabay kaming tatlong pumasok sa loob. Agad naman kaming sinalubong ng waiter at iginiya sa isang private booth. Pagkatapos kunin ng waiter ang order namin ay umalis na siya at iniwan kaming tatlo. At isa lang ang masasabi ko- awkward!

Ako ba ang dapat maunang magsalita?

Pagkaraan ng ilang minuto ay nagpapakiramdaman pa rin kaming tatlo.

This silence is killing me!

I cleared my throat exaggeratedly.

"Ehemmmmm." Sabay silang napabaling sa akin.

"So...." I trailed. Napakamot ng batok si Gio habang si Daryl ay nakapokerface lang.

"Ahm...Cel, can we talk...privately? Just the two of us lang sana. Kahit sandali lang."

"Sige."

"No!"

Magkasabay na turan namin ni Daryl. Napatingin naman ako sa kanya.

"Please. Nang masabi na niya ang dapat niyang masabi. Kahit 10 minutes lang." He sighed.

"Sige, pero 5 minutes lang. Tapos sabihin mo na rin ang dapat mong sabihin." Tumayo na siya at binalingan si Gio.

"Five minutes. No more, no less." Pagkatapos ay naglakad na sya palabas ng restaurant.

"So?" Tanong ko kay Gio.

"I'm sorry, Celine. I want us back. Please." Hinawakan niya pa ang kamay ko.

"Gagawin ko ang lahat sweetheart. Kung ano man ang pagkukulang ko dati pupunuan ko na ngayon. Kahit araw-araw akong tumawag sa'yo gagawin ko. Just give me a second chance sweetheart. Please." Nagmamakaawa ang mga mata niya. Humigpit din ang hawak niya sa kamay ko. Napakagat ako ng labi ko.

Break it to him gently.

"Bakit ngayon lang? Bakit lumipas muna yung ilang buwan bago mo naisipang makipagbalikan sa akin?"

"Akala ko kasi kaya ko. Sweetheart, hindi ko pala kayang mawala ka. Sweetheart tayo na lang ulit please." Pagmamakaawa pa niya.

"Gio kasi...ahm...mula nung naghiwalay tayo ay marami nang nangyari. Hindi naman pwedeng kapag pumasok sa isip mong hiwalayan mo ako ay maghihiwalay tayo tapos kapag gusto mo namang makipagbalikan sa akin ay magmamakaawa ka nang ganyan."

"No sweetheart. Listen, listen to me." Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Gagawin ko ang lahat para sa iyo. Hindi na ako makikipaghiwalay pa ulit. Please sweetheart. Kung anong gusto mong baguhin ko, babaguhin ko. This time I won't let go. Tanggapin mo na ako ulit please. I still love you." Dahan-dahan kong inilayo ang mga palad niya sa pisngi ko.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon