XVIII - Sinungaling

8.4K 186 6
                                    

Author's Note:
Pasensiya na po sa matagal na update. 2 reasons po:
1. Writer's Block (saklap!)
2. Busy po ako sa pagcomply ng requirements sa BIR application ko (Wish me luck!)
Hehehe!

Anyway, highest rank in romance na na-achieve ng story na ito:641 at umabot na po tayo sa 3.13k reads. Ang saya-saya 'di ba?

My heartfelt gratitude to the following:
Evelynpunan, Francise27, cathygdevilla, eloukoy, BernadetteLuces, reignguerzon1210, tripoleniezlmae, tammybells, yukimartinez, Im_Gorgeous_, argienrose, Courtneysaphire, titabcardenas, Aphrodite1508, yhatxsbah, elyzagalang27, EerisedDelaVega, honeymarlen24, seyre_ivieJean14, Jeaszxcbby, goodgirlako1234 at sa ever loyal na voter na si skylight27thunder.

Please feel free to comment, vote, and pa-follow naman po. Super duper thank you. Hugs and kisses to everyone.

PS. Slow UD po tayo mula ngayon pero try ko pa rin magstick sa one UD a week na sched.

PPS. Kindly check out: Ang Pinakamalupet na Hokage

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

"I love you."

What the hell Celine? I love you? Really? Saan nanggaling 'yon?

Bahagya siyang natigilan sa sinabi ko. I could feel the tension in him. He was still for a few more minutes before he moved. He kissed my forehead and stood up. Walang salitang naglakad siya papunta sa banyo.

"Stupid! Stupid! Stupid! Argh!" Naiinis na bulong ko sa sarili ko.

Bakit ba kasi nasabi ko 'yon?

I closed my eyes in frustration. Hindi na rin ako nagmulat nang marinig kong bumukas ang pinto ng banyo. Nanatili lang akong nakapikit at nagpanggap na tulog kahit na nang maramdaman kong marahang lumundo ang kama.

Pangangatawanan ko ang pagpapanggap na tulog kesehodang harapin ko siya at parang lulubog naman ako sa lupa sa kahihiyan.

Nanayo ang balahibo ko nang maramdaman ko ang mainit na hininga niya sa bandang leeg ko. Hindi pa siya nakuntento, hinalik-halikan pa niya ang punong tenga ko. Gusto kong kagatin ang bibig ko o kaya man lang ay lumayo sa kanya dahil nakikiliti na ako ngunit hindi ko magawa. Mabubuking kasi na nagtutulug-tulogan lang ako. Nang makitang wala akong response sa pinaggagagawa niya ay naramdaman kong lumayo siya sa akin. Dahan-dahan kong pinakawalan ang hininga kong hindi ko alam na pigil-pigil ko na pala.

Nadinig ko ang papalayong yabag ng mga paa niya ganoon din ang pagbukas at pagsara ng pintuan. I peeked through my lashes and when I saw that the coast is clear ay saka ko lang tuluyang iminulat ang mga mata ko.

Naupo ako sa kama. Inisip ko ang mga nangyari kanina. Napahugot ako ng malalim na hininga tsaka ako frustrated na napahilamos sa mukha ko gamit ang mga palad ko.

"Gaga kang bunganga kasi! Ayan tuloy. Buti na lang lumabas na siya dito kungdi lulubog talaga ako sa lupa sa kahihiyan. Haist!" Inis na bulong ko sa sarili ko. Nang akmang bababa na ako ng kama ay nakarinig ako ng mahinang tawa.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon