XXII - We're gonna have a baby boy!

7.3K 203 11
                                    

Author's Note:
Highes rank in Romance Category #367. 5.47k reads as of the moment.

BernadetteLuces a.k.a. goodgirlako1234 at sa excited na excited at nag-uumapaw ang positivity na mapa-publish ang story na ito na si YuwinYuluz, here's an update specially dedicated to the both of you. Love ko na kayong dalawa.xoxo

Maraming salamat din kina:
yhatxsbah
LeonelRoseLukkat
Jserbano
elaneAPAT
Im_Gorgeous_
MaryAnnPineda5
shunhan

Nagandahan ka ba sa story na ito? What are you waiting for? Vote, Comment and Follow. Hehe salamat sa pagsuporta. Peace out. ✌✌✌

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

True to his words, tinawagan ni Gio ang kakilala niyang doctor at sinabing magpapa-4-D ultrasound ako. So, after naming maglate lunch ay dumiretso na kami sa ultrasound clinic. Excited na excited ang loko which is something I did not expect. Akala ko kasi ay magagalit siya o magwawalk-out siya kapag nalaman niyang buntis ako.

Walk out? Delima lang ang peg? Kidding aside, I'm thankful that he did not judge me though.

We arrived at the clinic at around four in the afternoon. Mabuti na rin dahil konti na lang ang natitirang pasyente. We were welcomed by a petite chinita. Nanunukso ang mga titig niya sa aming dalawa habang ipinapakilala kami ni Gio sa isa't isa.

"So, may nakasilo na rin sa wakas kay Gio the great." Pabirong saad nito sabay ng pakikipagbeso niya kay Gio pagkatapos ay sa akin.

Gio the great? May something?

"Wag ka na Gelyn." Sagot naman ni Gio na ngiting-ngiti.

Hala. Hindi man lang itinama ang sinabi ng doctor.

Iginiya kami ni Gelyn sa loob ng clinic niya. Tinanong niya ako tungkol sa pagbubuntis ko kaya ibinigay ko ang mother's book ko. Nasa kalagitnaan siya ng pag-ii-scan niyon nang binalingan niya si Gio.

"Excited ka na ba Daddy Gi? I bet gusto mong magka-junior na." Tatawa-tawang saad ng doctor.

What the fuck?!

Napaubo ako. Nabulunan tuloy ako ng laway ko. Nanlalaki ang mga mata ko sa tinuran ng doctor. At ang magaling na kasama ko naman ay humahalakhak pa habang hinihimas ang likod ko.

Mapapatay ko siya. Promise.

"Gusto din yata ni mommy Cel ng baby girl." Hirit pang muli ng doctor na sumabay din sa pagtawa ni Gio.

Isa pa 'to e. Pagbuhulin ko na lang kaya silang dalawa.

Nang mahimasmasan ako ay nagseryoso na rin ang doctor. Or it may seem like it. Pinipilit niya kasing supilin ang ngiti sa mga labi niya pero pinagkakanulo naman siya ng mga mata niya. Tumayo siya at iginiya niya ako sa isang maliit na higaan na natatabunan ng kurtina. Sumunod naman si Gio at inalalayan niya akong mahiga. Nagpaalam naman sandali na lalabas si Doc. Gelyn para sagutin ang tawag niya sa telepono.

"Oh, daddy Gi, sagutin ko lang ang phone ko ha. Kausapin niyo muna ni mommy si baby na tumihaya para pag-ultrasound ko mamaya, kitang-kita natin ang gender at hitsura niya." Bilin pa nito bago tuluyang lumabas. Walang kiyeme namang lumapit si Gio sa hinihigaan ko. Yumuko siya at inilapit ang bibig sa tiyan ko na wari'y bubulong.

"Psst! Anong ginagawa mo?!" I whisper-yelled to him sabay batok sa kanya.

Pinaglololoko ako ng taong 'to.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon