XXIII - Finders Keepers

7K 196 8
                                    

Author's Note:
Sobra-sobrang blessing po ito. #358 sa romance category at umabot na siya ng 6.12k reads and counting. Ni sa hinagap ko hindi ko inakala na aabot tayo sa ganito at makakapagsulat ako ng 23 effin' chapters. Ako na talaga mga bes!

Share ko lang, nagneuro ako kahapon. 4 hours siya mga bes! Madugo pala. Feeling ko natuyot ang utak ko. Nagpapahinga ako ngayon at hindi ko alam kung ano ang sumanib sa akin. Nakasulat ako ng isang buong chapter sa isang araw lang! Palakpakan naman jan.

Anyway, I dedicate this chapter sa mga bago kong paboritong tao namely: YuwinYuluz, BernadetteLuces, JasmineFegarido at yhatxsbah. Love ko na kayo. Yan na po ang update na hinihingi niyo.

Thank you rin kina EerisedDelaVega, polay19, skylight27thunder, Aphrodite1508, EilujzHasiejz, DhezaRetulla, at kay YouihMaxxe. Salamat sa mga nagvote, nagfollow at nagcomment.

Are you a silent reader? I don't bite so watcha waitin' for? VOTE, COMMENT, FOLLOW, AND SHARE. xoxo

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆


Gaya nga ng sinabi ni Gio, binigyan niya ng reward si baby. Pagkagaling kasi namin sa ultrasound clinic ay dumiretso na kami sa mall, sa infant section to be exact. At ang lolo niyo hindi magkandaugaga sa pagbili ng mga damit at gamit na panlalaki. Dinaig pa si Daryl. Kung naiba nga lang siguro ang sitwasyon, siguro ay lubos na lubos ang kagalakan ko ngayon. Kaya lang, nababahiran ako ng lungkot tuwing sumasagi sa isip ko na dapat si Daryl ang kasama ko ngayon. Siya ang ama ng dinadala ko tapos siya pa ang wala dito.

Huwag ka nang magdrama. Libre naman ni Papa Gio.

Kunswelo na lang sa akin na libre lahat ni Gio. Napuno tuloy ang compartment ng kotse niya ng mga pinamili namin. Bandang alas sais na nang maisipan niyang iuwi na sana ako sa bahay ngunit tumanggi ako. Sinabi kong gusto kong tumambay muna sa bagong biling townhouse niya. Nabanggit niya kasi sa akin yun kanina at since hindi ko pa nakikita yon, naisipan kong mainam na lang tumambay doon. Nagpahinuhod naman siya. Narating namin ang lugar mga bandang six thirty.

In fairness. Homey.

"Gi, dito ako kakain ng hapunan. Ipagluto mo ako ha." Nakangising saad ko sa kanya pagkapasok pa lang namin sa bahay niya.

Nabanggit ko bang chef siya sa isang cruise ship? Sarap kaya niyang magluto.

"Nami-miss ko kasi ang luto mo e." Dagdag ko pa. He rolled his eyes.

"Ano po bang gusto niyong dish mahal na prinsesa?" Nakangiting biro niya.

"Kahit ano lang kawal. Basa ikaw ang magluluto alam ko namang masarap e." Pagsakay ko naman sa biro niya.

Dumiretso siya sa kusina at nagluto. Iniwan naman niya ako sa salas kaya inabala ko na lang ang sarili ko sa panunuod ng tv. Kung hindi lang nakakahiya, magpapalipas talaga ako ng gabi dito kay Gio. Hindi pa kasi humuhupa ang sama ng loob ko kay Daryl.

Matapos makapagluto at makapaghain ni Gio ay agad niya akong inayang maghapunan. Magana kaming kumain habang nagkukwentuhan.

Sana ganito din kami ni Daryl.

"Hatid na kita? Baka hinahanap ka na sa inyo." Alok niya. Napasimangot naman ako at ngumuso.

"Ayoko. Magde-dessert pa ako e. Wala ka bang blueberry cheesecake diyan?" Yon kasi ang pagkakapareho namin. Mahilig kami sa blueberry cheesecake.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon