VI - Panty

12.1K 271 3
                                    

Author's note:

I would like to dedicate this chapter to quimje. Thank you for adding my story to your reading list.

Sa lahat po ng readers ko, simple lang po ang kaligayahan ko- yun po ay kung nadadagdagan ang views ng mga story ko, pag may nagvote at kapag na add sa reading list. Alam ko pong konti lang kayo ang sumusubaybay sa mga story ko pero para sa akin malaking bagay na po iyon. Nung magka 5 views po ako ay tuwang tuwa na po ako pero umabot na po sa 39 views ang story na to. I give everything back to you, my dear readers. Tuwing nadadagdagan ang views ay masaya akong binabalita sa husband ko kasi feeling ko achievement ko na po yon. Maraming maraming salamat po sa inyong lahat. xoxo

🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅

Bumuntonghininga si Nanay. Well, actually, hindi ko na mabilang kung pang-ilan na yon. Nakatayo pa rin siya sa harap naming dalawa. Magkatabi kami ni Daryl na nakaupo sa sofa. Nakayuko ako samantalang nasa likod ko ang kamay ni Daryl na tumatapik-tapik at wari'y ina-assure ako na andiyan lang siya para sa akin. Si nanay naman nakatitig lang sa amin. Nakakunot ang noo niya at nakapamaywang sa harap namin pero hindi ko mabasa ang mukha niya. Maya-maya pa ay hinawakan niya ang noo niya at tumingala sa kisame.

"Alam niyo hindi ko alam kung saan ako magsisimula." Huminga siya ulit ng malalim. Wala akong masagot sa kanya. Malungkot ang tinig niya at alam kong yun ay dahil sa nadisappoint ko siya.

"Sorry po nay." Anas ko. Hindi ko sya kayang tingnan nang matagal sa mga mata. Hindi ko kayang makita ang lungkot sa mga mata niya knowing na ako ang nagcause nun.

"Alam mo Celine, okay lang naman sa akin na mag-asawa ka e. Okay rin na mabuntis ka basta ba may asawa ka at as long as kasal kayo. Twenty six ka na ngayon ka pa naggagaganyan. Hindi naman ako nagkulang sa pangaral sa'yo pero ba't nangyari ito?" Napailing na wika nito. Wala akong masagot sa kanya. Guilty as charged ako e. Siguro sa isip ni nanay na kung kelan ako tumanda tsaka ako naglalalandi.

"Humihingi po ako ng paumanhin tita. Hindi naman po namin sinadya na mangyari 'to. Sorry po tita. Lasing lang po talaga kami no'n." Mapagkumbabang wika ni Daryl. Kinuwento niya kay mama ang dahilan kung bakit kami umabot sa sitwasyong ito. Habang nagsasalita si Daryl ay napapabuntunghininga rin si nanay.

"...at yun nga po. Kanina ko lang rin po nalaman na nagbunga yung nangyari sa amin ni Celine. Huwag po kayong mag-alala tita dahil handa ko pong panagutan ang bata. Pakakasalan ko po ang anak nyo." Patuloy ni Daryl.

"Aba'y dapat lang To Daryl. Binuntis mo 'yan dapat lang na panagutan mo. Pero 'di ba may nobya ka? Yung Rachel?" Nakakunot noong tanong ni nanay. One time kasi ay dumalaw si Daryl dito sa bahay at kasama niya si Rachel kung kaya na-meet siya ni nanay.

"Opo nay. Pero huwag po kayong mag-alala kasi pagkatapos na pagkatapos po ng nangyari sa amin ni Celine ay nakipaghiwalay na po ako sa kanya." Paliwanag ni Daryl.

"Tinapos mo ang relasyon nyo kamo? Hindi mo na ba mahal?" Naguguluhang tanong ni nanay. Nanigas naman ako sa kinauupuan ko. Parang natauhan ako sa tanong ni nanay kay Daryl. Oo, hiniwalayan niya si Rachel pero nawaglit sa isipan ko na maaaring mahal pa nito ang dating nobya. Nasira ang relasyon nila dahil sa nangyari sa amin. Hindi kami pwedeng magpakasal dahil magiging rebound niya ako at ganon din siya sa akin. Masyadong kumplekado ang sitwasyon namin.

"M-mahal pa po." Ouch naman! Napakagat ako ng labi ko. Masakit din pala pakinggan kahit wala naman akong pagtingin sa kanya maliban na lamang sa pagmamahal bilang isang kaibigan.

"P-pero tita hindi ko po pwedeng ipagwalang bahala ang nangyari kay Celine. Gusto ko po siyang panagutan lalo na po at buntis sya ngayon." Hindi muna sumagot ang nanay bagkos ay umupo siya sa katapat na upuan.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon