XIV - Selos?

9.1K 221 8
                                    

Author's Note:
Nung nagstart akong magsulat, akala ko walang makakapansin sa mga gawa ko kaya nang maka-25 reads ako, tuwang-tuwa na akong nagbalita sa husband ko. And now, who would expect, ang story na ito ay umabot na ng....(drum roll please) 942 reads! Isn't it amazing? Isn't it surprising?

Anyway, maraming salamat po sa bago kong mga followers na sina ChaesiePark,wakawaja at xelle4984.

Thank you po sa mga nagvote na sina Eireen_29, KatherineNatividad, goodgirlako1234, Jserbano at sa ever loyal na si skylight27thunder.

Maraming salamat din sa mga nag-add ng story ko sa reading list nila. Shout out kina jeralyn112, fred03gold, JessicaPugong at kay emmarespetodador.

Please feel free to vote, comment and follow. God bless po sa ating lahat. xoxo

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

Nangangalumbaba ako sa table ko at nakaharap sa computer monitor ko. Actually, hindi ko nga alam kung ilang minuto ko na itong ginagawa. Hindi pa naman siguro umaabot sa isang oras ano? Kung ice cream lang nga ang monitor ay baka natunaw na ito sa titig ko.

Naramdaman kong may gumalaw sa gilid ko base na rin sa tunog ng gulong ng office chair na gumulong sa sahig. However, masyadong occupied ang isip ko para pansinin ang mga bagay sa paligid.

Napaigik na lang ako nung may sumiko sa tagiliran ko. Napabaling ako bigla sa salarin at sinalubong ako ng nakangising mukha ni Bart a.k.a. Barbie. Tinaasan ko siya ng kilay ngunit hindi nagpahuli ang bakla. Tinaasan din niya ako ng kilay niya. Kung yung akin ay abot ng 10th floor yung kanya ay lumampas pa-mga hanggang 11th floor. I rolled my eyes at tumitig ulit sa monitor. Sana makita ko sa monitor ang solusyon sa pinoproblema ko.

"Eehhheemm." Exaggerated na pagtikhim ng loko.

"Ehem. Ehem. Ehem." Patuloy na pagpapapansin niya.

Haist! Wala talaga akong takas sa radar niya.

"Magpakonsulta ka Bartolome. Baka TB na yan." Turan ko na umani naman ng isang hampas sa braso ko mula sa kanya.

"Aray naman bakla. Masakit yun ha." Hinimas-himas ko pa ang bahagi ng braso kong hinampas niya.

"Ateng naman kasi. Kanina ka pa tulala diyan." Bumuntonghininga lang ako at nangalumbaba sa table ko.

"Ateng..." Kinalabit niya naman ako.

"Ano?" Pagmamaang-maangan ko.

"Tell mo na kasi." Pangungulit pa niya. Tinaasan niya ako ng kilay.

"You seem bothered ateng. What has got your panties in a twist?" Anak ng!

"Pati ba naman ikaw Bartolome?!" Pinanlakihan ko siya ng mga mata.

"Barbie nga ateng. Huwag nang paulit-ulit sa Bartolome. Masakit sa tenga e. Tsaka ano bang ginawa ko sa iyo ha?" Nagtatakang tanong nito.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon