XII - Closure

8.6K 198 3
                                    

Author's Note:
I would like to express my heartfelt gratitude to the readers of Bestie, you got me preggy!. Hindi ko po akalain na aabot po ito sa 443 reads and counting. Salamat po kay Jserbano at kay skylight27thunder sa pagvote. Thank you sa aking first ever follower na si Shien-Shien24. Hehe na pressure tuloy ako sa hiningi mong UD. Di bale, motivation po iyon sa akin. Thank you din kay DauntlesslyFearless sa pag add ng story na ito sa iyong reading list. xoxo

Please feel free to vote, comment and share this story.

Shameless Plug:
Kindly check out my other works:
Mr. Puss in Boots
30 Days towards my Happy Everafter
Ang Pinakamalupet na Hokage

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

Inihatid ako ni Daryl sa office. Habang nasa daan ay panay ang habilin niya sa akin ng mga dapat at hindi ko dapat gawin bilang buntis. Actually, nakukulili na nga ako sa kanya pero hindi ko naman siya pwedeng pagbawalan kasi alam kong nag-aalala lang siya sa akin at sa baby namin. Hindi ko rin naman siya pwedeng sitahin kasi baka magtampo siya sa akin. And if I got you wondering kung nagsalo ulit kami sa 'dessert', pwes, hindi na. Sayang 'di ba? Pero hinalikan din naman niya ako pagkababa ko ng kotse niya. Smack nga lang pero at least may kiss 'di ba?

Masigla akong pumasok sa building. Namiss ko rin ang magtrabaho dahil mahigit dalawang linggo din akong walang ginawa kundi humilata lang at kumain.

Nasa elevator pa lang ako at hindi pa iyon humihinto sa 10th floor kung nasaan ang accounting office na pinagtatrabahuan ko nang magring ang cellphone ko.

Bestie Calling...

Kung nagtataka po kayo kung bakit hindi ko pa pinapalitan yung pangalan niya sa cellphone ko, well, kasi naman, ano ang ilalagay ko? Parang ang formal naman kung Daryl, hindi ba? Hindi naman pwedeng boyfriend kasi hanggang ngayon malabo pa rin yung status namin. Lalong lalo namang ang pangit tingnan kung lalagyan ko ng 'my give it a try'. Ang sagwa no? So you see what I mean? Mabuti na lang yung bestie kasi yun naman kami mula pa dati.

Ano na naman ang kailangan ng taong 'to?

Minsan-well madalas, praning siya. There are times na kinikilig naman ako-in fairness kasi kahit wala siyang gawin o sabihin ay kinikilig na ako basta nandiyan siya. Again, I would like to emphasize, blame it to my pregnancy hormones. Sobra siyang maalalahanin ngunit may mga panahong na-o-oa-han na ako sa kanya. Naakairita na ba. Sabi ko nga, praning di ba? Kagaya na lang ngayon, kakahiwalay pa lang namin sa ibaba ng building ay tumatawag na siya. I tried to ignore his call pero ang persistence ng lalaking ito ay sadyang unlimited yata dahil tumunog na naman ang cellphone ko sa pangatlong beses na. Saktong kalalabas ko lang ng elevator kung kaya't dumiretso muna ako sa cr. Nang feeling ko ay hindi siya titigil ng kakatawag sa akin hangga't hindi niya ako nakakausap ay sinagot ko na ang naghuhumiyaw kong cellphone.

-What happened to you?! Kanina pa ako tawag ng tawag.

"Da-"

-Are you okay?! May masakit ba sa'yo?

"Da-"

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon