XIX - Promise is a promise

7.4K 170 4
                                    

Author's Note:
Tumataas po ang ranking natin. Achieve na achieve ang #622 sa romance category last week! And 3.64k reads, really? Napaka-amazing at surprising talaga mga besh! Kaya naman nakapag-update ako nang maaga kasi na- inspire niyo ako e.
Shout out and super thankee to my new followers and readers namely:
jffvjjtdvjkk, DylannJoieDuma, RuthCortez, EiresedDelaVega, AegeanJizaPuno, yhatxsbah, PunkPrincesOrilla, BbdongkaiLuspo, JasmineFegarido, JhanineMarie, BernadetteLuces, skylight27thunder, Francise27, cathygdevilla, isay1914, Jeaszxcbby, LeonelRoseLukkat, polay19, kieeelxx
Hindi ko po maisalita ang laki ng pasasalamat ko sa mga patuloy na tumatangkilik ng story na ito. Please keep the votes coming and feel free to comment. Welcome din po ang gustong mag-follow sa akin.
Please, please, please check out Ang Pinakamalupet na HOKAGE. xoxo

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

The 'mysterious and emergency' phone calls kept coming. Noong una madalang lang hanggang sa naging dalawa hanggang tatlong beses per week na. Minsan kahit linggo may 'scheduled operation'. Yung evil side ng utak ko nagtatanong, hindi ba nauubusan ng taong may bali at problema sa buto na kailangang operahan? Pero alam kong maraming aksidente sa daan at doctor si Daryl. Responsibilidad at tungkulin niyang gamutin ang mga taong nangangailangan ng serbisyo niya. Anong malay ko kung totoo nga yung sinasabi niya, 'di ba?

Give him the benefit of the doubt nga hindi ba?

Well, being the understanding person that I am, I bestowed him the benefit of the doubt regardless of the fact that he is not even asking for it in the first place. Nagpapaalam naman kasi siya sa akin tuwing aalis siya. Sweet pa rin siya sa akin at kung minsan nga pilyo pa. Maliban sa mga lakad niya tuwing may operation siya ay wala namang nagbago sa kanya.

Really?

Pakialamerang utak!

Sige na. Aaminin ko na.

Walang nagbago sa kanya-noong una. Nahahatid at nasusundo pa kasi niya ako sa opisina at nasasamahan pa niya ako sa mga monthly visit ko sa ob ko-dati. Pero, ibang usapan na ang ngayon. Since last week, napapadalas ang 'duty and emergency' calls na natatanggap niya. As a result, hindi na niya ako nahahatid sa opisina sa umaga at minsan nakakaligtaan niya na rin akong sunduin sa hapon. Pero okay lang, doctor siya at busy. Duty calls 'ika nga. Kaya ko namang magsacrifice ng maliit na bagay para sa kapakanan ng ibang tao.

Pasyente ba naman ang karibal mo e, hindi ka ba mag-gi-give way?

Natuto akong makisingit sa masikip na schedule niya. Kapag magpapasama ako, mag-iinform muna ako sa kanya para ma-clear niya ang schedule niya sa oras at araw na hinihingi ko. Nagpapa-appointment ako kumbaga-sa taong nangako ng give-it-a-try relationship sa akin. Ang galing 'di ba?

Insert sarcasm there. 'Yung caps lock para intense!

So ayun nga, since schedule ng check-up ko bukas kay Doc. Carla, kailangan kong magpaschedule ng pagpapasama ko sa kanya. I am on the twentieth week of my pregnancy meaning pwede na naming malaman ang gender ni baby bukas. At syempre, gusto ko, kasama ko siya the moment ma-reveal na iyon thru ultrasound.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon