V - Telling Her Family

11.3K 216 4
                                    


Well, what do you know? Having been preoccupied with the fact that I'm pregnant, nawaglit sa isip ko ang mga bagay-bagay. Isa na riyan ay ang fact na ngayong araw ay December 22. Ibig sabihin tatlong araw na lang Christmas na- a time for joy, for loving, for sharing and forgiving. Well, nakakadama naman ako ng joy, kasi nga magkakababy na kami ni Daryl-take note, not just any guy, but the Daryl Samaniego. Besides, alam naman natin na blessing ang isang bata so sino ba ang hindi matutuwa? Hindi rin ako nagkukulang sa love kasi andyan si Nanay, si Tatay, si Jojo, si Tita Darlyn, si Nana Rose at syempre si Bestie Daryl. Sinabi rin ni Daryl kanina na gusto niya share kami sa lahat, sa lungkot at ligaya. See? Ang saya ng pasko! Err, not really. Naiisip ko ngayon, since it is the season of giving and forgiving, kapag ba I give my parents the information that I am pregnant, will they forgive me?

I hope so, fingers crossed.

Kakatapos lang ng first pre-natal check up ko. Pinakinggan namin yung heartbeat ni baby gamit yung doppler. Before namin marinig yung swooshing sound, which is the heartbeat nga, parang panaginip pa ang lahat- ang nangyari sa amin ni Daryl pati na rin ang pagbubuntis ko. But the sound that came from the doppler was the final nail in the coffin 'ika nga. Yun yung nagpapatotoo na may buhay na sa loob ko, buhay na kami ni Daryl ang may gawa. Pareho kami ni Daryl na maluha-luha nung narinig yun. It felt so surreal. This is reality. Magiging magulang na kami.

Hindi pa nakuntento si Daryl sa doppler. Nagrequest pa siya kay Doc Carla kung pwede daw akong i-ultrasound kasi may machine naman dun sa mismong clinic ni doc. Nung lumabas sa screen, parang engot lang siya. Hinaplos haplos pa niya. Yung naka-appear dun? Syempre walang mukha, ni wala ngang katawan. Mala-munggo lang kalaki. Magkaganon man, tuwang-tuwa si Daryl. Parang nanalo lang sa lotto.

After ng ultrasound ko, binigyan ako ni Doc ng mommy's book at ni-schedule ang next na balik ko after a month. Niresetahan niya rin ako ng vitamins para kay baby. Pagkatapos ay lumabas na kami ng clinic. Perks of Daryl being friends with my ob-gyne? Libre ang consultation fee. Yipee!

Next attraction: sa bahay namin. Good luck to me.

"Babe, bili muna tayo ng anmum tsaka ng vitamins mo ha."

"Sure." Hinawakan niya ang kamay ko habang naglalakad kami.

"Your hand is cold. Are you nervous?" Nag-aalalang tanong niya sa akin.

"Hah! No shit sherlock!" Baling ko sa kanya.

"Celine, you know I hate it when you cuss. Marinig pa kita one time may kalalagyan yang bibig mo sa akin." He warned. I rolled my eyes. Typical of Daryl the Mr. Nice Guy.

"Sorry po kuya." He glared at me. Nung makarating kami sa parking lot pinagbuksan niya ako ng pintuan ng kotse pagkatapos ay sumakay na rin siya pero hindi niya muna pinaandar ang sasakyan.

"You know what they say?" Hindi ako sumagot.

There's gonna be a comeback. Trust me, I know.

"Sarcasm is the lowest form of wit so stop being sarcastic."

See? I know him too well.

"I want you to stop cussing kasi soon magiging parents na tayo. Dapat magset tayo as example kay baby. Mahirap bang intindihin yon? Hindi naman 'di ba? Tsaka kinakausap naman kita ng maayos so sana naman huwag ka namang sumagot ng pabalang. Ginagawan ko naman ng paraan para mapagaan ang sitwasyon a." Mahinahong sambit nito.

Hala ka! Nagtampo na.

"Sorry na, Bestie." Niyakap ko siya at hinalikan sa pisngi.

"Kasi naman e. Nate-tense kasi ako. I mean, err, natatakot pala ako kay nanay. Actually, parang hinahalukay ang sikmura ko ngayon sa nerbyos." Pag-amin ko sa kanya. Napabuntunghininga siya at gumanti din ng yakap sa akin.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon