XVI - This is it!

7.8K 199 3
                                    

Author's Note:
Highest rank ng novel na ito sa Romance Category-840!!! Would you believe that?

goodgirlako1234 eto na yung hinihingi mong update. :) Salamat sa pagtangkilik.

Thank you sa mga bago kong followers na sina tonton1989, elyzagalang27, at sharontanaguchi.

Thank you rin sa mga nag-vote na sina DemonGelica_Hellven5, ayell26, elyzagalang, at sa ever loyal na si skylight27thunder.

Maraming salamat din sa mga nag-add ng story na to sa reading list nila. Thank you Snowie_18, DelleMei_18, HorizonVictoria, elmar4545 at kay yourauthor_17.

God bless po sa inyong lahat. Sa mga magbabasa nito, please feel free to vote, comment, and follow.

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

Pagkarating namin sa bahay nila ay pinauna na ako ni Daryl na umakyat sa kwarto. Susunod na lang daw siya.

Badtrip 'ata.

Hindi ko alam kung anong gagawin niya basta sinunod ko na lang ang gusto niya. Pagkapasok ko sa kwarto ay naghalfbath ako at nagbihis na ng pantulog. Natapos na ako ay hindi pa rin siya pumapasok sa kwarto.

Saan na kaya yon?

Sa mahigit isang buwan na pagtira ko dito sa kanila ay nakasanayan ko nang matulog kami ni Daryl nang sabay. Kung kaya't ganitong hindi pa siya nakakapasok sa kwarto ay hindi rin ako makatulog. Naisipan kong magfacebook na lang muna habang hinihintay siya. Kadalasan kasi, mga bandang alas diyes ay tulog na kami so baka mamayang konti lang ay umakyat na rin siya.

Ngunit nakapag facebook na ako at COC at lahat ay hindi pa rin pumapasok sa kwarto namin si Daryl kung kaya't nagpasya akong babain na siya. Hinanap ko siya sa sala ngunit wala siya doon. Sinilip ko ang kotse niya sa garahe dahil baka umalis siya. Thankfully ay present naman ang kotse niya so ibig sabihin ay nandito lang siya sa bahay.

"Kung wala siya sa sala at hindi rin umalis ang kotse niya, saan kaya yun nagpunta?" Sinilip ko siya sa kusina and lo and behold. Nandun si Daryl sa bar na kanugnog ng kusina-umiinom at mukhang may tama na.

Did I ever mention that tipsy Daryl is naughty Daryl?

Nilapitan ko siya at kinuha ang beer in can na hawak niya.

"Da, bakit ka umiinom?" Tanong ko sa kanya. Pilit kong hinuhuli ang paningin niya.

"Akin na yan babe. Last na lang yan e." Pilit niyang inaagaw ang hawak ko.

"Tama na Da. Ang dami mo nang naubos oh." Sabi ko sabay turo sa nagkalat na mga lata ng beer na wala ng laman.

"Last na babe, promise. Kalahati na lang to o." Sabi niya nang makuha niya ang hawak ko.

"Hihintayin na lang kitang matapos kung ganon." Sinimulan kong ligpitin ang kalat iya at itinapon ang mga iyon sa basurahan. Pagkatapos ay naupo ako sa tabi niya at hinarap ko siya.

Nagtataka ako sa kanya. Hindi siya basta-basta umiinom kung walang okasyon. At lalong lalo nang hindi niya ugaling umiinom nang mag-isa.

Unless...

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon