XXX - Contractions

9.4K 276 46
                                    

Author's Note:
Maraming maraming salamat po sa mga patuloy na tumatangkilik sa story na ito. Masaya po akong ibalita sa inyo na umabot na po ito sa.....(drum roll please)....
#60 sa romance category, 49.7k reads at 1.69k votes. Tuwang-tuwa po si author. As in. Kung pwede lang tumambling ginawa ko na kaso hindi ganon ka flexible si author.😂😂😂
Pasensiya na po sa hindi regular at matagal na update. Pasensiya rin po kung hindi ko kayo ma-isa-isang mapasalamatan dahil wala pong libreng wifi sa office. Hehehe Try ko po sa susunod.

Well, here's an update you've all been waiting for. Happy reading! xoxo 😘😘😘

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

Sometimes, we'll never know what we have until we've lost it. Kapag nandiyan, lalo na kung nakasanayan na natin ang presence ng isang tao o bagay, we tend to neglect it. Maybe because we were so used to having it that we overlook it's value. Or pwede ring nakakaligtaan natin dahil akala natin habangbuhay nang nariyan. But we forgot one thing that's present in our life-change.

They say change is the only constant thing. Magulo ba? Constant na nga nag-change pa. That is one fact that we cannot alter. Everything around us is bound to change. At some point, everything will undergo change. Some may be gradual, others may be sudden. Our physical attributes, for instance, changes. Material things fade, depreciate, gets torn or broken, gets thrown and, in the end, decomposes. Feelings and even we, as human beings, change.

That is why it is hard for us to let go of something or someone we get too accustomed to. It is difficult to embrace changes that comes with letting go of it. Because only then would we realize the worth of something or someone when it is already breaking apart from us. Our instinct is to hold on, much tighter this time. We would want it to stay and never go away.

Hindi ko lang alam kung isinasambuhay talaga ni Daryl ang bagay na iyan. Kasi simula nang umalis ako (Yes, umalis ako sa kanila at tumira ulit kina nanay. I'm just thankful na tinanggap ulit ako ni nanay without questions or interrogations.) sa kanila, naging masigasig siya sa panunuyo sa akin. Pwede ko na nga siyang ihambing sa isang manliligaw. Hatid-sundo niya ako sa opisina at halos oras-oras rin kung tumawag. Huwag na lang natin pag-usapan ang pagte-text niya. Sabihin na lang nating hindi natatahimik ang cellphone ko sa isang oras. Nakakakilig, oo. Pero umaabot rin sa puntong nakakairita na. Oa na kumbaga. Take for instance 'yung pagbibigay niya sa akin ng flowers. Pwede na akong magpatayo ng flowershop dahil halos araw-araw meron. I'm not exaggerating dahil yung bouquet na bigay niya, yung pinakamalaki talaga. Same with chocolates. Good thing pinagbawalan siya ni Doc. Carla since prone ako sa gestational diabetes if palagi akong kakain ng sweets. Hindi na lang rin ako nagrereklamo. Siguro bumabawi siya sa mga kasalanan niya nung nakaraan.

What I appreciate the most is his effort to accompany me to my monthly appointment with my ob. The first time, I was shocked. He appeared at our doorstep early in the morning and told me he will be going with me. Funny how he was there even though I did not tell him about it. Hinayaan ko na lang kasi iyon naman talaga ang hangad ko simula pa lang. His presence is enough to make me happy. Ang malaman kong interesado rin siya sa nangyayari sa anak namin ay sapat na sapat na.

"So, lilipat ka na ulit doon?" Naputol ang pagmumuni-muni ko sa tanong ni Gio. We are sitting opposite to each other dito sa Jollibee.

Yes, Jollibee talaga. Sa dinami-dami ng Chinese restaurant malapit sa office ko, dito niya talaga ako dinala. Galante, 'di ba?

Inaya niya kasi akong maglunch. Actually, ilang araw na niyang inuungot sa akin ito. Nagtampo na kasi ang mokong sa akin dahil hindi ko na raw siya naisasama sa mga check-ups ko. Tapos hindi ko na rin daw siya pinapagbigyan na maglunch date kami. Kaya heto kami ngayon, nagha-heart to heart talk habang pumapapak ng spicy chicken joy.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon