XXXI - GIFT

8.1K 215 37
                                    

Author's Note:
For the first time, since I graduated college which was seven years ago, wala akong pera...nada...waley (alam niyo naman na kakalipat ko pa lang ng trabaho at medyo delayed ng konti ang first sahod). I mean it. Paskong-pasko pero butas ang bulsa ng lola niyo. BUT, this year has been so good to me na kahit wala akong pera ay wala akong karason-rason na malungkot. You see, we have a new home, hindi kami nag-away ni hubby ng mga 1 week (yeah, sabi ko nga walang perfect marriage 😂😂), and nagre-rate ang Bestie, you got me preggy! Hindi man siya umaabot pa sa #50 pero naka #57 na siya. So what more could I ask for? Hashtag feeling blessed pa rin po ako.

Thoughts to ponder galing kay author ngayong holiday season:
It is not the money that counts. Sabi nga 'di ba, you can buy a house but not a home, a bed but not a good night sleep (tama ba?). We have a lot to be thankful for. If kakaunti lang ang handa sa mesa, isipin natin na wala ngang makain ang iba. Kung pear shaped ham lang ang kaya, isipin na hanggang tinapay lang nga yung iba. Do not look for what you don't have. Instead, appreciate what you have kasi baka ang nasa sa iyo, pinapangarap pa lang ng ibang tao.

So, yeah, thank you po sa 68.4k reads and sa 2.24k votes.

I proudly dedicate this chapter to my ever supportive and patient readers: delyrasos and khazzyjumadil. Love ko talaga kayo raised to the nth power!😘😘😘

Sa mga hindi ko na mention, thank you din po sa inyo. Utang ko po sa inyo ang kung ano man ang naabot ng story na ito.

From my family to yours, I wish you a very merry Christmas. Here's an update made as my very own gift to each and everyone of you..😘😜

Happy reading!

🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆🔆

"Bilisan mo Gi!" I commanded. Parang kakapusin ako ng hininga habang binabaybay namin ang daan. Dikit na dikit ang likod at pwet ko sa upuan sa tulin ng takbo namin.

"Eto na nga!" Pabalang na sagot niya sa akin sabay overtake sa isang pulang vios na sinusundan namin.

"Shit! Stop swerving!" Sabi ko habang humihigpit ang kapit ko sa seatbelt ko. Feeling ko nawala pansamantala ang katawang lupa ko sa ginawa niya. Akala ko nga titilapon na ako kung hindi lang sa seatbelt na suot ko.

"But, we need to get there fast!" Pasigaw na turan niya.

"Putcha! Huwag mo akong sigawan! Leche ka!" Matigas na baling ko sa kanya. Kung hindi lang siya nagmamaneho, malamang sa malamang, nasuntok ko na ang braso niya.

Or better yet, sa panga. Mas magandang target 'yon.

"Ikaw kaya ang naunang sumigaw! Tsaka huwag mo 'kong murahin!" Ganting sigaw niya sabay hampas nang malakas sa manibela para bumusina.

"Hinaan mo ang busina! Naiirita ako!" Pakli ko.

"Asar naman kasi e! Hahara-hara sa daan!" He confounded. Hindi kasi nag-gigive way ang tricycle sa unahan.

"Bakit kasi may tricycle dito sa highway?!" Iritadong saad nito.

"Malay ko?! Ba't ako ang tinatanong mo?! Ako ba ang driver niyan ha?!" Singhal ko sa kanya. Pumalatak na lang siya bilang tugon sabay kabig ng manibela papunta sa kabilang lane.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon