IX - Pasko sa Bahay Nila

9.3K 224 7
                                    

Author's Note:

No words can express how thankful I am na umabot po sa ako sa 176 reads as of the moment. Who would have thought na ang baguhang writer kagaya ko ay makakakuha ng 176 effing reads?hehe Anyway, salamat po talaga sa lahat ng tumatangkilik. Inaamin ko pong nape-pressure akong mag UD agad pero on the positive note, na iinspire din po akong dagdagan ng another chapter ang storya na 'to na hindi ko alam kung saan papunta (honestly). Hehehe

I dedicate this chapter to Jserbano, ALLENESPINOSA11 and to abegail_o4.

Shameless Plug:
Kindly check out my first ever completed ROMCOM story entitled 'Ang Pinakamalupet na Hokage'. It will somewhat tickle your bones, promise! xoxo

PS: BS po dapat ito kaso hindi pa carry ng lola niyo. Baka sa next chapter na. Hopefully. ;-)

🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅🔅

🎶May tatalo pa ba sa pasko ng Pinas
Ang kaligayahan nati'y walang kupas
'Di alintana kung walang pera
Basta't tayo'y magkakasama
Ibang iba talaga...
Ang pasko sa Pinas... 🎶

Nagising ako sa magandang sikat ng araw na lumulusot sa bintana, maaliwalas na kapaligiran at kanta ni Yeng Constantino na Pasko sa Pinas na maririnig mula sa sounds ng kapitbahay nila Daryl. Ayan tuloy, na-LSS ako. Paulit-ulit kong kinakanta ang chorus mula pa kanina. Kahit ngayong naliligo ako ay kanta pa rin ako ng kanta.

Wala kayong pakealam kung pabebe ako...este kung na-LSS ako!

Hiling ko na sana ay maging maganda naman ang pakiramdam ko sa araw na 'to. Sana naman dinggin ang gusto ko at magcooperate naman ang katawan ko para ma-enjoy ko naman ang pasko.

Kahapon kasi buong araw lang akong nagkulong sa kwarto. Kahit kasi gustuhin kong lumabas ay hindi kaya ng katawan ko. Feeling ko ang lamya-lamya ng pakiramdam ko at wala akong lakas na magkikikilos kahapon. Buong araw din na ang pangit ng panlasa ko. Binigyan ako ni Daryl ng kendi para ma-alleviate sana yung mapait na panlasa ko pero wala namang nangyari. Hindi ko tuloy maintindihan ang sarili ko. Nagugutom ako pero wala naman akong gustong kainin. Tuloy, buong araw kahapon ay nandito lang ako sa loob ng kwarto ni Daryl at nagmumukmok.

Pero iba ang pananaw ko ngayong araw. Sa ganda ba naman ng gising ko, at ganda ng panahon ngayon, what could go wrong 'di ba. Kaya nga excited ako ngayon e. Sa sobrang galak ko nga ay pumasok ako diretso sa banyo nang hindi nagdadala ng bihisan. Buti nga naalala kong magdala ng towel e.

Pasayaw-sayaw at pakanta-kanta pa ako sa banyo. Ipinagpapasalamat kong hindi ako nakaramdam ng urge na magduwal at magsuka. Pagkatapos kong maligo ay tinuyo ko ang katawan ko gamit ang towel tsaka ko ipinulupot ito sa katawan ko. Hinanap ko ang bihisan ko ngunit natampal ko na lang ang noo ko nung maalala kong wala nga pala akong dala nung pumasok ako sa banyo

"Pakshet naman! Paano ako lalabas nito?" Bulong ko sa sarili ko. Alumpihit ako sa loob ng banyo.

Tulog pa naman sya siguro.

Patingkayad akong naglakad papunta sa pintuan ng banyo. Dahan-dahan kong pinihit ang doorknob upang mabuksan ang pinto. Sinilip ko ang kama kung natutulog pa siya.

Huh?! Nagising na siya?

Wala na kasing nakahiga sa kama. Nung nilibot ko ang paningin ko sa loob ng kwarto ay wala naman na siya.

Bestie, you got me preggy!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon