NICKAN'S POV
Ang tagal naman ni Euclid! Napapasok tuloy ako dito sa haunted house nang magsimulang umulan. Ang dilim pa man din saka ang creepy! Hindi pa man din namin 'to binisita before kaya baka hindi ako mapuntahan ni Euclid dito kung sakaling dumating na siya.
I let out a deep sigh. Wala naman sigurong real ghosts dito di ba? Napalunok ako nang makarinig ako ng weird sounds, parang umuungol from somewhere. Hindi! Imagination mo lang yun Nickan! Tama, imagination mo lang yun!
Bahagya akong napatili nang may lumitaw sa harap ko na babaeng mahaba ang buhok. Tinakpan ko ang mukha ko ng kamay ko at maya-maya, umalis na rin siya sa harap ko. Napahinga ako ng maluwang.
Dahan-dahan pa akong naglakad habang palinga-linga sa paligid. Pagliko ko sa unang kantong nadaanan ko, napayakap ako sa sarili ko nang maramdamang lumamig. Bahagya pang namamatay-sindi ang mga ilaw sa gilid ng daan. Binilisan ko pa lalo ang lakad ko. Papaliko na sana ulit ako sa isa pang intersection nang makarinig ako ng mahinang mga hikbi. Isang batang babae na nakaupo sa isang sulok ang nakita kong nakatungo at umiiyak. Lalampasan ko na sana siya kaso, narinig ko ang paglakas ng mga hikbi niya.
"Mommy... mommy...," tuloy pa rin ito sa pag-iyak. Dahan-dahan akong lumapit sa kanya.
"Mommy... mommy... n-natatakot a-ako," sa boses niya, mukhang nasa edad 5 or 6 years old pa lang siya. Hahawakan ko pa lang sana siya nang biglang gumalaw ang ulo nito at umikot ng 360 degrees. Bumulaga sa'kin ang isang duguang mukha. Napasigaw ako ng malakas at napatakbo kung saan.
Shiz. Shiz. Shiz. Euclid! Asan ka na?
Napatigil ako sa pagtakbo nang may mabangga ako.
Titingala ba ako o hindi? Waahhh!! Ayokong tumingin! Baka yung walang ulo na 'to!
Bahagya akong lumayo sa kanya at nakatungong nilagpasan siya. Tatakbo na sana ako ulit nang hawakan niya ang kamay ko. Napatili ako at napapikit. Ang lamig ng kamay niya! Halaaa anong gagawin ko?
"You should have only come here when I'm with you para hindi ka natatakot," narinig kong sabi niya. Teka, pamilyar ang boses niya! Parang yung boses ng labidabs ko! Dahan-dahan akong nagmulat ng mata at nakita ko ang gwapo niyang mukha.
"Euclid!" niyakap ko siya agad ng mahigpit. I heard him chuckle.
"Seriously, papasok pa lang ako dito, narinig ko na agad ang sigaw mo," sabi niya habang hinahawakan ang buhok ko. Humiwalay ako sa kanya.
"Ang tagal mo!" nakasimangot kong sabi sa kanya.
"Natraffic kami nang biglang umulan ei. Sorry ah?" hindi ko mapigilan yung ngiti ko. Why so cute when you're saying sorry?
"Apology accepted! Hihi tara labas na tayo dito baka hinihintay na tayo nila tita!" sabi ko sa kanya. Nagulat ako nang akbayan niya ako palapit sa kanya. Pakiramdam ko ang pula-pula na naman ng mukha ko. Buti na lang madilim dito at hindi niya nakikita! Wahh I really love this man!
Paglabas namin sa haunted house, pumunta kami sa may food court kung saan naghihintay sila tita Yett at tito Aries, parents ni Euclid.
"Oh Euclid baby! You're here!" salubong ng mommy ni Euclid sa kanya. Natawa ako nang makitang napasimangot si Euclid. Ayaw niya talagang tinatawag siyang baby hehe
"How's the flight?" tanong ni Euclid sa kanila sabay hila ng upuan para sa'kin. Naupo na din siya sa tabi ko.
"Okay lang naman, we'll be having some vacation in Cebu this week para makapagrelax," excited na sabi ni tita Yett.
![](https://img.wattpad.com/cover/58604047-288-k656308.jpg)
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 2)
Mistério / SuspenseEuclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn't mean there are no more enemies around them. JOIN THEM AS THEY FACE NEW ENEMIES TO DEAL WITH, MORE CASES TO SOLVE, NEW CODES TO DECYPHER...