CHAPTER 28.1: It Started with a Riddle (Part 2)

2K 55 0
                                    

What the heck happened here?

In front of us is a girl in white dress hanging on the room's ceiling at the right side of the room. Her long hair seems dancing with the air giving her the look of a creepy white lady.

"Woah, a suicide case?" rinig kong sabi ni Nico sa tabi ko. I breathed some air so as to calm down my excited neurons. Seriously, this sight is somehow disturbing especially to engineering students who were at their wit's end.

"Ohh boss Euclid! Tamang-tama, nandito ka!" bungad ni officer Dennis pagkakita sa'kin.

"Officer Dennis, asan si uncle Dy?"

"Papunta na si Inspector Dy galing sa meeting nila with the superintendent. Sa ngayon, may kailangan akong ipakita sa'yo!" iginiya niya ako palapit sa katawan ng biktima na kasalukuyan ng ibinababa mula sa pagkakabigiti. May mga forensics officers na din sa paligid na kumukuha ng mga samples na pwedeng magamit sa investigation. I looked at the girls' body intently, encrypting her image in my memory so as to solidify my initial verdict on this case.

"Kaninang umaga kami nakareceive ng tawag mula sa isang estudyante tungkol dito kaya agad kaming pumunta para malaman kung anong nangyari. Nang makarating kami dito sa school ay hindi namin macontact yung estudyanteng tumawag kaya dumiretso kami sa Dean's office. Since hindi naman namin alam kung saan yung Room 111 na sinabi ng tumawag, nagpasama kami sa isa sa mga officers na nasa loob at—"

"Teka, hindi kaya yung tumawag sa inyong estudyante ay ang namatay mismo?" sabat ni Nico at saka pasimpleng itinuro ang babae.

"If you will be committing suicide, would you want some police to go at you right away?" I responded instead.

"Sabagay, ang weird nga naman nun!" may paghawak pa sa baba na sabi nito, as if he's really thinking seriously. Tumikhim naman si Officer Dennis at saka itinuloy ang pagsasalita.

"Nang makarating kami dito, agad na binuksan ng officer ang room at ito nga ang nadatnan naming tagpo," tumingala ako sa lubid na natirang nakabitin sa itaas. Isinabit ito sa hook na nasa itaas at saka ibinuhol. Sa ibaba nito ay may nakatumba pang upuang gawa sa kahoy.

"There were few odd things in this case," napatingin silang dalawa sa'kin. "Una, the girl's shoes. Bukod sa maayos na pagkakabuhol ng sintas ng sapatos nito, ano pang napansin ninyo dito?" Saad ko sabay turo sa katawan ng babaeng sakay-sakay na ng stretcher.

"Ha? Anong kakaiba naman sa suot niya?" takang tanong ni Nico.

"Yung shoe socks?" tanong ni Officer.

"Bingo! She's wearing a shoe sock kahit white sneakers naman ang suot niya. Hindi ba iyon nakakapagtaka? It's as if she wasn't wearing that white shoes in the first place."

"Ibig mong sabihin, posibleng may ibang taong nag-akyat sa kanya sa itaas at saka siya ibinigti at pagkatapos ay sinuotan pa siya ng sapatos bago siya iwan dito?" gulat na tanong ni Officer Dennis.

"From the very start, it is obviously a murder case Officer," sagot ko sa kanya.

"The girl is right-handed samantalang ang hinahanap naman nating involved sa pagkamatay niya ay isang left-handed person," sabi ko sa kanila.

"Paano mo naman nasabing right-handed yung babae at left-handed naman yung killer?" mas lumalim pa yata ang pagkakakunot ng noo ni Nico.

"There are calluses on the girl's right hand's ring finger and palm, indication that she is a hardworking student who loves to take down notes a lot. She's also wearing her wrist watch on his left hand, a common habit for right-handed people. On the contrary, based on the way her shoe laces were tied at sa pagkakabuhol ng lubid sa taas, nasisiguro kong left-handed ang taong involve sa kasong ito."

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon