"No, it's not her!" halos sabay pa nilang sabi.
"Are you sure, it's not her?"
"Hmm... mukhang magkasing tangkad at magkasing-katawan lang sila, Sir. Pero sa itsura..." napailing-iling ito. "Malayo."
"Yeah, mukhang simple lang manamit itong si Melissa pati na din ang taste niya sa make-up oh!" sabi pa ng kasama nito at saka ini-swipe ang mga profile pictures. "It's very different from the woman in black! Ang kapal ng make-up niya, akala mo naman ikinaganda niya yun! Ay sorry!" napahawak ito sa bibig at saka napatingin sa'min. Mukhang nahiya ito bigla sa mga pinagsasasabi nito tungkol sa babae. Narinig ko naman ang pagpipigil ng tawa ni Officer Dennis.
"So the woman in black is not Melissa Sarmiento..." mahina kong sabi. "Teka, anong sinabi niya para papasukin niyo siya?"
"Ang sabi po niya ay kilala niya daw yung nakacheck-in sa 2308 kahit contact-in daw po namin at i-verify. I dialed the number at may sumagot naman po sa kabilang linya. Kakausapin ko pa nga lang po sana kaya lang ay inagaw na nung babae yung phone tapos ilang saglit din niyang kinausap. Nang ibalik niya sa'min yung phone, ang sabi nung nasa kabilang linya ay 'let her in' kaya pinapasok po namin siya."
"Hmm... I see."
Now let's try to put up all the clues so far, the first one is Mr. Sarmiento's statement. Sabi niya ay anniversary nila ngayong araw at may balak siyang sorpresahin ang asawa niya pero hindi niya ito makita sa bahay nila. Ang nakita niya ay ang suicide note na nasa kwarto nila leading him to go here immediately.
I looked at my phone and dialed Uncle Dy's number.
"Hello Euclid?"
"Uncle, have you confirmed his alibi? Did he really go to his house before coming here?"
"Wait, are you suspecting—"
"Yes, that woman did not commit suicide Uncle. She was killed."
"Yes, sabi ko na nga ba eh!" rinig ko pang excited na sabi ni Officer Dennis sa tabi ko.
"Sige, sandali," naramdaman ko ang paglayo ng phone. "Mr. Sarmiento, pwede mo bang sabihin sa'kin kung nasaan ka bago ka pumunta dito sa hotel?"
"Sinabi ko na sa inyo kanina di ba? I was at home before coming here. I was working on our company event 'til 8PM. S-Sumaglit lang ako sa bahay para sunduin sana ang asawa ko."
Company event...
"May kasama ka ba sa bahay niyo na makakapagpatunay na umuwi ka nga sa inyo?"
"Ha? W-Wala. Kami lang ng asawa ko ang nakatira sa bahay namin. Pero teka, para saan pa? B-Bakit niyo tinatanong?"
"Standard procedures lang."
Ilang saglit pa at naramdaman ko na ang paglapit ng phone kay Uncle. "Euclid?"
"Yeah, I heard. Mukhang hindi ganun ka-konkreto ang alibi niya. Thank you Uncle!" pagkababa ko ng tawag ay ibinalik ko ang tingin sa dalawang receptionists.
"Pwede niyo bang sabihin sa'kin kung anong company yung sinasabi niyong may event today?"
"Ahh! Yokohama Industries po!"
"Heh..." napatangu-tango naman ako. I knew it. The time of arrival of Melissa, the malfunctioning of CCTV, the reason why the body was found lying not in the bedroom and the woman in black.
"It was really well-planned."
"Anong ibig mong sabihin, boss Euclid? Alam mo na ba kung sinong pumatay dun sa biktima?" napangiti naman ako dito.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 2)
Tajemnica / ThrillerEuclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn't mean there are no more enemies around them. JOIN THEM AS THEY FACE NEW ENEMIES TO DEAL WITH, MORE CASES TO SOLVE, NEW CODES TO DECYPHER...