CHAPTER 22.3: The Case of the Suspicious Claws (Part 4)

2.6K 67 18
                                    

"I-I’m sorry,” mukhang nakabawi naman ito mula sa biglaang pagsigaw. “Ninakaw kasi yung una kong ginawang prototype tapos hindi ko pa natatapos itong pangalawa kong gawa. Sorry for being so sensitive.”

“Do I look like I’ll steal it? Hmp!” nakasimangot na sabi dito ni Nhie.

“Importante kasi ang invention kong ito kaya—“

“Sir Earl, Mr. Genezare is calling for you,” napalingon kaming lahat kay Mr. Conrad na nasa pintuan.

“Tsk. Istorbo,” mahinang sabi ni Earl at saka lumabas na ng room. Sumunod na lang din kami dito at saka bumalik na sa pinanggalingan naming kwarto. Naramdaman ko ang vibration from my phone kaya tiningnan ko naman ito. It was a call from dad.

“Hello dad?”

“Euclid baby! Where are you?” bahagya kong inilayo ang tainga ko sa cellphone nang marinig ang malakas na boses ni mom.

“May pinuntahan lang kami ni Nickan, bakit po?”

“I need you here, right now. So come here, ASAP,” madiin niyang sabi. What’s with the urgency?

“But—“ Napabuntong-hininga na lang ako nang makitang ibinaba na naman nito ang tawag nang hindi pa ako hinihintay na makasagot.

“Do you have to go now?” napalingon ako kay Mr. Genezare na kakapasok lang ng room.

“I’m sorry sir. Something came up so…”

“I understand. Come back when you’re not busy, okay?”

“I sure will sir. Thank you for accommodating us,” nagpasalamat din ako kay Mr. Conrad bago umalis. Hindi ko naman na nakita si Earl bago kami umalis ng Villa.

“Hindi ko pa rin magets dhie. You told me earlier na may kukunin tayong mahalagang piece sa binubuo nating puzzle kaya tayo nagpunta dito, so I assume that it was about the present case. Pero parang wala naman akong makitang posibleng motibo ni Sir Genezare para gawin niya yun kay Mr. Damian kung sakali mang pinaghihinalaan mo siya,” rinig kong tanong niya matapos kong paandarin ang kotse.

“I have a different reason for coming,” maiksing sagot ko sa kanya.

“Hello doc?” sagot ko kaagad sa tawag pagkalabas ng room.

“Mr. Shellingford, I’m sorry to say but… the traces of DNA were too old to be of any use. I can’t proceed with the test in this case.”

“Ganun po ba?” I sighed frustratingly.

“If you could only get another sample…”

Another sample…

“I’ll get it and bring it to you later!” agad kong sagot sa kanya.

“Really? That’s good. And one more thing, in order to confirm your hypothesis, I also need the parent’s DNA sample.”

“Parents…”

“Is it… impossible?”

“No. I’ve got an idea…I’ll text it to you.”

Binaba ko na ang tawag at saka tinext dito ang naisip kong plano. Pagkatapos isend sa kanya ang text ay bumalik na ako sa loob kung saan tahimik na naghihintay si Mr. Genezare.

Napabalik sa kasalukuyan ang diwa ko nang matanaw ko na ang hospital na pinuntahan namin kanina.

“Yung pinatago ko kanina?” tanong ko kay Nickan pakahinto ko sa parking lot ng hospital. Kailangan ko kaagad maibigay kay Dra. Jekyll yung sample para ma-test. Inabot niya naman sa’kin yung container at saka ko ito itinago sa suot kong jacket. Agad akong dumiretso sa office niya at saka ibinigay dito ang dala ko.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon