"3117? Anong ibig sabihin ng message na yun? Hmm…” napapaisip na sabi ni Nickan.
“I’m sure mahuhulaan mo din agad kung anong ibig sabihin nun. After all, I was a mere 6 years-old nang madecode ang dying message niyang yun.”
“Ehh genius ka ei kaya hindi yun imposible noh! 3117… 3… 117? Baka emergency hotline ibig niyang sabihin dun sa 117?” natawa ako sa sinabi nito. “Bakit ka natawa?”
“Halos ganyan din kasi yung sinabi ni Nico before,” sagot ko sa kanya.
”3117… 3… 117? Hindi ba emergency hotline yung 117? Baka yun yung ibig niyang sabihin sa message?” sabi ni Nico pagkalabas namin sa mansion. Pagkakita kasi namin sa bangkay kanina ay napagpasyahan naming pumunta muna sa entrance para subukang lumabas. Nakalock na ito kaya sumigaw kami mula sa loob para makahingi ng tulong. Ilang minuto pa bago dumating ang guard at pagbuksan kami.
“And the number 3?” tanong ni Ren-ren.
“Hmm… baka yun yung may kinalaman sa pangalan ng killer!”
“大丈夫ですか? Daijoubu desu ka?” tanong agad ng guard sa’min. He’s asking if we are okay.“ああ はい。大丈夫です。えと、警察は読んでください。誰かは中に死傷者です。Ahh hai. Daijoubu desu. Eto… keisatsu wa yondekudasai! Dareka wa naka ni shishousha desu,” I told him to please call the police because someone was killed inside.
“死人? Shinin?” That means a dead person. He was somehow shocked for a moment then immediately composed himself. Tumitig pa siya sa’kin at nang makita kung gaano ako kaseryoso, tumakbo agad siya sa loob ng guard house at saka tumawag sa telepono. Nakigamit na rin ako nito para tawagan si mom and dad. Maya-maya lang ay dumating na ang mga pulis kaya sinamahan namin sila sa loob ng mansion. Inilabas na nila ang katawan ng biktima para maexamine na ng mga forensic experts.
“Euclid baby!” I heard my mom’s voice kaya napalingon ako dito. Kabababa lang nito mula sa car at humahangos na tumakbo palapit sa’min. Bumaba din naman mula sa driver side si dad.
“Sorry for making you worry, mom. Nagkaroon po kasi ng problem sa loob,” sabi ko at saka itinuro ang pinanggalingan naming mansion.
“What happened?” dad asked.
“We found a dead man inside,” I casually answered.
“A dead man? Oh my God! Hindi ka ba natakot baby? That must be terrifying!”
“Hindi naman po,” sagot ko.
“Para nga pong hindi niya first time na nakakita ng patay tita ei! He also talked about livor mor—what’s that again?”
“Livor mortis, tsk,” dugtong ko sa gusto niyang sabihin.
“The post-mortem lividity? Bakit alam mo yun anak?” dad asked.
“I read it before in a novel and I got curious what that means kaya naghanap po ako ng book sa study room for references.”
“Those terms are not for kids baby,” mom said.
“But—“
“Let’s just go home okay?” wala na akong nagawa nang isakay na ko ni mom sa car kasama nila Nico at Ren-ren. I didn’t tell them about the dying message we saw.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 2)
Misteri / ThrillerEuclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn't mean there are no more enemies around them. JOIN THEM AS THEY FACE NEW ENEMIES TO DEAL WITH, MORE CASES TO SOLVE, NEW CODES TO DECYPHER...