CHAPTER 13: The Body that has Remained Unnoticed (Part 1)

4.2K 115 9
                                    

"At ipinasa na po mga kaibigan ang bola kay Vince and he's now aiming for three and yes!" sabi ng commentator matapos pumasok ang bola sa basket. Malakas ang naging hiyawan ng mga tao.

"Woohhh!! Go Vince!" napalayo ako ng bahagya nang marinig ang malakas na pagsigaw ng katabi ko. Mataman ko lang pinanood ang laro. Mahigit 2 minutes na lang ang natitira at nasa kabilang team pa ang bola.

"Defense! Defense!" sigaw ng mga tao.

Ipinasa ng point guard ng kalaban ang bola pero naagaw ito ng sentrong si Big boss at saka ipinasa sa kakampi niya. Mas lumakas pa ang hiyawan ng mga tao. Ramdam ko ang intensity ng game lalo pa at seryoso ang mga mukha ng mga players na naglalaro sa court. Walang gustong magpatalo.

"20 seconds, 20 seconds shotclock, ipinasa ang bola sa kanilang ace player and Vince's aiming again for three... and yes!" smooth ang pagpasok ng bola sa basket. Tumakbo na pabalik si Vince para dumepensa.

"Shocks! Isang shoot na lang mananalo na sila!" may paghampas pang sabi ni Nickan. Napangiti ako nang makita kung gaano siya nag-eenjoy sa panonood. Tinignan ko ang score-100-102.

Hawak na ng kakampi nila Vince ang bola at tatakbo na sana ito palapit sa basket para magdunk nang bigla itong supalpalin ng kalaban. Napunta sa kalaban ang bola pero mabilis itong nasteal ni big boss. Nakarinig pa ko ng mga pagsinghap nang muntik na itong makuha muli ng kalaban. Nagwawala na ang mga audience sa pagchicheer.

"Last 1 minute!" sigaw ng commentator.

"Woohhh!! Go big boss! Go Stallions!" sigaw ng mga supporters nila. Stallions ang tawag sa basketball team ng school nila.

"Pinwersa ni big boss at nakalusot sa depensa ni Karlo and yes! Pumasok ang bola!" sigaw ng commentator.

"Wahh tie na! Go guys!"

"Defense! Defense!"

Last 20 seconds na lang...

Hawak ng kalaban ang bola pero napansin kong tumakbo pabalik ng court nila si vince and no one's going after him. Napangiti ako. Mahigpit ang bantay ng kalaban. Nang magdribble ito sa kanan, agad na naagaw ng point guard nila Vince ang bola at ipinasa kay big boss. Nakita kong napangiti ito nang makita si Vince na nakaabang sa court nila.

"Last 10 seconds!"

Binantayan ng kalaban si big boss pero dahil sa assist ng kakampi niyang kulay red ang buhok, nagawa niyang makapaglong pass papunta kay Vince. Ilang seconds na lang at nasambot ni Vince ang bola. Nagulat ang lahat pero lamang ang mga natuwa at naghiyawan. Huli na nang makapagreact ang kalaban dahil nagawa ng makapagdunk ni Vince sa basket at pumito na ang referee hudyat na tapos na ang laban.

"Waahhh panalo sila, Euclid!" tuwang-tuwang sabi ni Nickan. Napangiti ako nang makita ang reaction niya, sobra yata siyang natouch sa game at maluha-luha na siya. Ang final score: 106-104, in favor of Southeastern Academy.

Maya-maya, nagsimula ng mag-alisan ang mga tao. Bumaba na din kami at inabangan ang team nila Vince sa hallway papuntang locker. Saglit lang at narinig na namin ang pagdating nila.

"Wui kuya Euclid! Nakita mo ba kung paano ako nagbuzzer beater kanina?" tuwang-tuwang salubong sa'kin ni Vince, ang ace player ng stallions at pinsan ko. Mas matangkad lang ako ng kaunti sa kanya at may kulay brown siyang buhok.

"Yup nakita ko na agad na nag-abang ka sa court niyo dahil alam mong may makakapagpasa sa'yo ng bola," sabi ko sa kanya.

"Ang galing-galing mo naman!" puri dito ni Nickan.

"Ay t-thank you ahm... girlfriend po kayo ni kuya?" nahihiyang tanong ni Vince. Napatawa ako nang makitang namula pa si Nickan.

"Yeah she's my girl, tawagin mo siyang ate Nickan okay?" sabi ko sa kanya sabay akbay kay Nickan. Nagsilapitan din sa'min yung mga kateammate niya.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon