"Hello Euclid? Natanggap mo na ba yung sinend ko?"
"Yes Uncle, and I know where it is!"
"Talaga? Saan?"
"I saw a painting of that place in my parent's suite this morning. The angry big ben refers to the hexagonal clock tower capped by a dome. I remember its clock face painted in red so that's it for the word 'angry'. Then the next one, 'A mummy's about to rise' refers to a coffin, which is the very shape of the Manila City Hall. Let's count from one to ten... anong oras niyo nga po ulit nareceive ang message na 'to?"
"Mga bandang ala-una kaninang hapon."
I looked at my watch. It's already 9:30PM.
Let's count from one to ten
And all will turn to ash.
"Kung ganun, posibleng magkaroon ng pagsabog sa Manila City Hall at 10 o'clock this evening! Kailangan nating magmadali!"
"Oo nga! Thirty minutes na lang pala ang natitira! Sige, pupunta na kami ngayon din!" iyon lang at agad nang ibinaba ni Uncle ang tawag. Hinarap ko naman si Nickan na halatang nag-aalala din.
"Shall we go too?"
"No, masyadong mapanganib. Ang mabuti pa ay sumama ka na sa Dad mo para umuwi. I'll go with Officer Dennis to check the area."
"Pero Euclid—" hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi.
"Sige na ha, you go with your dad. I'll take care of everything here."
Napabuntong-hininga naman ito. "Fine, but you have to update me!"
"Yeah, I will. Mauna na kami ha? Ikaw nang bahalang magsabi sa dad mo," nilingon ko yung Dad ni Nickan na palabas na ng station.
"Okay, mag-ingat ka ha?" tumango naman ako at saka sumunod na kay Officer Dennis sa police mobile nito.
"Naku Boss Euclid, aabot kaya tayo?" may pag-aalala pang tanong ni Officer Dennis habang iniistart ang makina. I looked at my phone and explore the google maps. Mula sa lokasyon namin ay aabutin kami ng mahigit bente minutos.
"Mukhang aabot naman tayo basta walang traffic na madaanan!" sagot ko naman sa kanya at saka inayos ang seatbelt ko.
"Sige, bibilisan ko na lang ang pagpapatakbo. Saka nauna naman na sila Inspector Dy sa area kaya sa tingin ko ay magagawan na nila ng paraan iyon!" positibo pang sabi nito.
"Ang inaalala ko lang ay, saan kaya banda itinago ng bomber ang bomba? Saka ano bang motibo niya?"
"Naku po, ang lawak pa naman ng City Hall tapos gabing-gabi na ngayon! Nakakatakot daw doon kapag gabi eh! Balita ko ay madami daw nagpaparamdam doon na mga kaluluwang ligaw!"
"Naniniwala ka sa mga multo?"
"Eh kasi may mga patunay na meron talagang mga bagay na hindi kayang i-explain ng siyensiya!" Napahalukipkip na lang ako sa sinabi niya. Bigla ko tuloy naalala yung kasong sinolve ko noon kung saan ipinakilala ako ni Uncle as a paranormal expert. Napailing-iling pa ako nang maalala ang imahe ng kung anong kumaway sa'kin noon.
Maybe ghosts really do exist.
Ilang saglit pa ay nakarating na kami sa City Hall kung saan nagkalat na ang PNP EOD K9 bomb squad at K9 dogs na pinapunta ni Uncle. Agad naman akong bumaba at saka pumunta sa direksiyon niya.
"Anong balita, Uncle?"
"We're almost done inspecting the area."
I looked at my watch. It's already 9:55PM.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 2)
Mystery / ThrillerEuclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn't mean there are no more enemies around them. JOIN THEM AS THEY FACE NEW ENEMIES TO DEAL WITH, MORE CASES TO SOLVE, NEW CODES TO DECYPHER...