"Room 19."
"Huh? Paano naging Room 19 Euclid?" agad na tanong ni Nicolai.
"The rule is, you have to convert the given number to its binary equivalent, add one for every zero and add two for every 1. Sabi sa unang statement, if you use a certain formula on 13, you will end up with 7. When you convert number 13 to binary, you'll get 1101. There are three 1s and one zero so applying the rule, we'll be having 3 times 2 equals six then plus one, and you'll come up with seven. Same rule was applied with 2352 which is equivalent to 100100110000 that has four 1s and eight 0s. Four times two is equal to eight, plus eight equals sixteen."
"Ahh.., so ang 9304 ay magiging-kailangan ko pala ng calcu!" Bahagya pa akong natawa sa sinabi ni Nico at saka ito lumapit sa dalawang estudyante para manghiram ng calculator. Ibinalik ko naman ang tingin ko kay Detective Belleza.
"9304 is equivalent to 10010001011000 which has five 1s and nine 0s which means the number we are looking for is equivalent to five times two plus nine."
"Number 19, not bad," tumatangu-tango pang pahayag ni Detective. I gave him a satisfied smile na agad ding nawala dahil sa sunod nitong sinabi. "But being good in math doesn't mean you're good in solving cases too."
I saw him smirk at saka ako tinapunan ng matalim na tingin.
"Officer Dennis, you know what to do," maya-maya's sabi nito kay Officer Dennis, intentionally ignoring my presence. Agad namang tumalima ang huli at saka lumabas ng room.
"Woah, I don't get to see your pissed face very often," nang-aasar pang bulong ni Nico.
"I'm not pissed!" madiin kong tugon sa kanya.
"Ohh yeah, you're not," natatawa pang sagot nito at saka lumapit pabalik sa dalawang estudyante.
"Nakareceive din ba kayo nung link sa messenger?" rinig kong tanong nito sa dalawa. Agad kong itinuon ang pansin sa dalawang estudyante para marinig ang isasagot nila.
"Ahh oo, hindi ko nga lang alam kung sino 'to..." sagot agad nung lalaki.
"Anong link?" takang tanong ng babae.
"Here!" pinakita ni Nicolai yung cellphone niya at saka ipinakita dito. Kinuha ng babae ang cellphone sa bag niya at pagkatapos ay chineck ito.
"Ohh my God! S-Si Rizzie ba 'to?" nanginginig pang pahayag ng babae. Sunud-sunod na bumagsak ang mga luha sa magkabilang pisngi nito.
"Sino namang walang puso ang gagawa nito sa kanya?" bakas ang galit sa mukha ng lalaki habang nakatingin sa picture. Dahan-dahan naman akong lumapit sa kanila.
"You were with her yesterday?"
"Ahh o-oo, dumaan siya kahapon sa gym bago umuwi. May mga pinahanap daw sa kanyang documents si Prof. Hernandez kaya siya nandito sa school," sagot ng babae habang nagpupunas ng luha sa magkabilang pisngi.
Kung hindi ako nagkakamali ay Programming professor si Mr. Karlo Hernandez. Nasa forty's na ang edad nito at lagi itong may suot na makapal na salamin at black backpack na pinaglalagyan nito ng laptop.
"And you were playing with him when the victim arrived?" tanong ko na medyo ikinagulat pa niya.
"Ahh o-oo. Pareho kaming varsity player ng badminton kaya pwede kaming maglaro sa gym kahit kelan namin gusto."
"Since walang nagschedule ng game sa gym kahapon, sinamantala na namin ang pagkakataon para masolo namin ang buong court," dagdag pa ng lalaki.
"Which means... walang makakapagpatunay ng alibi niyo kundi ang isa't isa," pareho silang natigilan sa sinabi ko.
BINABASA MO ANG
Euclid Shellingford (Volume 2)
Mistério / SuspenseEuclid Shellingford is back with his partner Nickan Sheedo. Dark Chaos is now out of the picture but it doesn't mean there are no more enemies around them. JOIN THEM AS THEY FACE NEW ENEMIES TO DEAL WITH, MORE CASES TO SOLVE, NEW CODES TO DECYPHER...