CHAPTER 19.2: The Case of the Ruptured Body (Part 3)

3K 92 12
                                    

A/N: Babala, mahaba po ang chapter na 'to. Kapag nasabi na lahat ng alibi nila, comment nyo kung sino sa tingin niyo killer, okay? Hehe enjoy po! Don't forget to vote and share!

~EuclidAngel

***

“Ano pong alibi ni Mr. Kurt Durano?”

“According to his testimony, hindi siya dumiretso sa kwarto nang maghiwa-hiwalay sila kagabi dahil nagyosi pa siya sa labas. Wala naman na daw taong nasa labas ng mga oras na iyon, kaya walang makapagpatunay ng alibi niya. Pagkatapos magyosi ay bumalik na daw siya at nakita pa daw niya si Ms. Annie na kakapasok lang ng room nito.”

“Mga anong oras daw po yun?”

“Past 12MN daw. Nang tanungin ko siya kung sino sa tingin niya ang pumatay kay Fritzie ay saglit itong nag-isip at pagkatapos ay itinuro niya ang dalawang kaibigang lalaki. Sabi niya, imposible daw kasing babae ang pumatay kay Fritzie dahil sa mga saksak nito sa katawan kaya kung may papatay man sa kaibigan niya, isa lang daw yun kay Mr. Axle at Mr. Jeremy.”

Iginala ko muna ang paningin ko sa buong kwarto bago lumabas. Tulad ng mga nasa naunang kwarto, may art materials din sa working table nito. Nagkalat ang acrylic paint dito pati na din ang ilang papel na lukot-lukot. Dito niya muna siguro binubuo ang konsepto niya bago ilapat sa sketch pad.

Sunod naming pinuntahan ang kwarto ni Mr. Jeremy na katabi ng kwarto ni Mr. Kurt. Malinis ang working table nito hindi katulad ng mga naunang kwarto. Mukhang maayos din siya sa mga gamit dahil nasa tamang pwesto ang lahat ng laman ng kwarto nito.

“Sir, dalawa pong cellphone ang nakita namin sa room,” pagbalita sa’min ng kakalapit lang na police officer hawak sa dalawang kamay ang isang kulay puti at isang kulay black na cellphone. Bahagyang may gasgas pa ang kulay puting cellphone sa bandang likod nito.

“Saan mo nakita yan?” tanong sa kanya ni inspector.

“Doon po sa may ilalim ng unan niya,” sagot nito at kapagka’y nilingon namin pareho ang malaking kama sa gitna. “Nang dumating po kami dito, medyo magulo na yung unan at saka yung kumot, hindi masyadong naiayos.”

Napatangu-tango na lang ako sa sinabi nito. Unti-unti nang nabubuo ang buong kwento sa isip ko.

“Anong alibi ni Mr. Jeremy?” tanong ko kay inspector.

“Nang maghiwa-hiwalay daw sila kagabi, sa kwarto siya dumiretso para sana matulog pero dahil hindi daw siya dalawin ng antok ay napagpasyahan niyang lumabas muna at magpahangin sa botanical garden ng resort.”

“Saan po banda ang botanical garden dito?”

“Ilang metro lang ang layo nun mula sa grotto,” sagot nito.

“At ang suspetsa niyang pumatay?”

“Posible daw na nakipagkita si Fritzie kay Kurt nang gabing yun pero hindi daw siya sigurado kung ito nga ang pumatay. Kung motibo naman, hindi siya makapagbigay ng posibleng dahilan para patayin si Fritzie. Sabi niya, si Fritzie daw ang pinakamabait na taong kilala niya kaya hindi daw niya alam kung bakit kinailangan siyang patayin.”

So he really do have feelings for her…

“Paconfirm po kung yung white na cellphone ay pagmamay-ari ng biktima,” sabi ko dun sa police officer.

“Pero paano naman mapupunta sa room ni Mr. Jeremy ang cellphone ng biktima?” tanong ni inspector.

“Simple lang ang sagot diyan inspector. It’s either siya ang nagdala or iba,” seryoso kong sabi sa kanya.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon