CHAPTER 31: 8th, 7th and 6th Little Indian

2.1K 51 1
                                    

"Temperature change?" pag-uulit pa ni Nicolai sa sinabi ko.

"Did you know that when our normal body temperature goes up, like during exercise, or goes down during sleep, the affected protein no longer functions normally? The disrupted protein function causes the electrical signal in our heart to become erratic, triggering an arrhythmia or in worst case, a sudden cardiac death."

"Pero paano naman magkakaroon ng sudden temperature change sa—" natigilan ito bigla at pagkatapos ay nakamaang pang tumingin sa'kin. "You mean, he used that one?"

"Yeah. Kir probably sent his people to kill that woman."

"Pero paano naman kaya niya nalaman ang tungkol sa nagawa ni Ms. Robles?" napapaisip na tanong ni Uncle Dy.

"Someone probably overheard their conversation somewhere or maybe one of them accidentally talked about it to someone else. It's only one of the two, Uncle," I opened the third folder and read the victim's name.

It was Yvette Sanchez, a 23 year-old woman who was a free-lance photographer. She was found dead in her villa few days after her friends left her. According to her friends, sadyang nagpaiwan ang biktima para kumuha pa ng mga pictures na isasali sana nito sa Summer exhibit ng company nila. Ang mga katiwala ng babae ang nakakita sa bangkay nito sa may batuhan sa malapit na ilog. Noong una ay inakala nilang aksidente lang ang pagkakabagok nito sa batuhan pero nang suriin ng medical examiner ang sugat nito sa ulo ay napag-alaman nilang may humampas dito mula sa likod.

Eight little Indian boys travelling in Devon;

One said he'd stay there and then there were seven.

"She was killed the same way as General Mcarthur died. Who was her killer?" I scanned her police report. She was killed by someone named 'Angela Ang', anak ng katiwala ng villa. Nahuli ito ng mga pulis dahil wala itong masabing alibi sa tinatayang time span kung kailan posibleng naganap ang krimen. Isa pa ay fingerprints lang nito ang nakita sa murder weapon na siyang nahanap ng mga pulis sa may likod-bahay.

"Sa huli ay umamin din si Ms. Ang sa nagawa niya lalo pa at lahat ng ebidensya ay nakaturo na rin naman sa kanya. Her motive was related to the death of a man named 'Richard Laurel', Ms. Sanchez' ex-boyfriend who was found dead half a year ago at the villa's garden.

"Kung ganun, posibleng may kinalaman si Ms. Sanchez sa pagkamatay nitong si Richard Laurel, nalaman ito ni Kir at pagkatapos ay isinama niya ito sa plano niyang plot," nakahawak pa sa baba na sabi ni Nicolai.

"Paano daw po ba namatay si Richard Laurel?" tanong ko kay Uncle.

"Ang sabi ng mga tagaroon ay natagpuan daw nila itong may saksak sa bandang dibdib. Malamig na ito nang matagpuan nila at nagsimula na ding mag-rigor mortis kaya tinatayang mga bago maghating-gabi daw ito pinatay."

"At nasaan naman po si Ms. Sanchez nang mga oras na iyon?"

"Ang sabi ay iyon daw ang huling gabi nito sa villa. Umaga daw ay hindi na nila ito naabutan pa dahil nakaluwas na ito ng Manila."

"Tumakas siguro," napapailing na sabi ni Nicolai.

"Hindi po siya inimbestigahan ng mga pulis?"

"She gave a concrete alibi na sinang-ayunan naman ng mga katiwala ng pamilya nila kaya itinuring siyang inosente sa kaso. Mga ilang araw matapos daw ang pagkamatay ni Mr. Laurel ay natagpuang patay naman ang hardinero ng villa. Nagbigti ito sa tinutuluyang bahay, may sulat pa itong iniwan na nagsasabing siya ang pumatay kay Mr. Laurel at pinagsisisihan na nito ang nagawang kasalanan."

"Which is probably not true," ibinaba ko ang hawak kong folder at saka ito sinara. "That night before Ms. Sanchez left the villa, she probably met with Mr. Laurel and because of whatever reason, she killed him. Someone witnessed her crime, I assume; 'cause if not, she won't be murdered like this."

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon