CHAPTER 14: The Mystery of the Falling Body (Part 1)

3.2K 104 14
                                    

For the nth time, I was awakened by the sound of my phone ringing. I stretched my right hand to get it from my bed side table.

"Hello?" tinatamad ko pang sagot sa tawag.

"DHIE!!! OMG!!!" nailayo ko kaagad ang phone sa tenga ko pagkarinig sa malakas niyang boses at saka pinindot ang loudspeaker button sa screen.

"Why?" nakapikit ko pang tanong sa kanya.

"March 28 ngayon!"

"So?"

"Final exam natin!" sigaw niya. Awtomatikong napadilat ang mga mata ko.

"What?"

"Oo! Sorry huhu, nalimutan kong sabihin na ngayon ang start ng exam week natin, hanggang Wednesday yun!"

Napahilot ako sa sentido ko habang nakapikit pa rin. Marami akong absents sa klase, halos kakaunti lang din ang mga quizzes ko this final term kaya kung gusto kong pumasa, I really need to perfect the final exams katulad ng ginawa ko ng prelims and midterms.

"Anong oras ang exam ng first subject?"

"10AM," sagot niya at saka ko tiningnan ang suot kong relo. It's only 7AM, I still have 3 hours to review.

"Okay. I'll get up now. You better hurry too, I'll be there in 15 minutes!" pagkasabi ko ng mga salitang iyon, tinapos ko na ang tawag at saka dali-daling bumangon sa kama. Hinablot ko yung towel na nakasabit sa tabi ng bed ko at saka dumiretso na sa C.R para maligo.

Time check: 8:05AM

"Sorry na talaga Euclid," apologetic na sabi ni Nickan sa tabi ko. Naglalakad na kami ngayon papuntang library ng school. Tumigil na muna ako saglit at saka humarap sa kanya.

"Stop saying sorry okay? Just focus on the exams for now!" malumanay kong sabi sa kanya. Nakapout pa rin ito kaya hinawakan ko yung magkabila niyang pisngi. "At tigilan mo na ang pagsimangot dahil hindi ako matutulungan niyan sa pagpofocus okay?" sabi ko sa kanya sabay kindat. Nagblush naman ito kaya binitiwan ko na siya't pinagpatuloy ang paglalakad. Hindi ko maiwasang mapangiti.

"Halaa hintayin mo ko dhie!" rinig kong sabi nito saka tumakbo palapit sa'kin. Papasok na kami sa library nang may mapansin akong papalabas na dalawang estudyante. Magnobyo siguro dahil inaalalayan ng lalaki ang babaeng halos magkulay-suka na sa puti ang mukha. Napatingin din dito si Nickan dahil muntik nang matumba ang babae sa harap niya. Mabuti na lang at nakaalalay dito ang kasama niya. Pagkatapos humingi ng paumanhin ng dalawa, nilampasan na nila kami at saka umalis. Kumuha naman ako ng ballpen at saka naglog-in sa logging sheet bago pumasok sa loob. Dito pumipirma ang mga pumapasok at lumalabas ng library.

Pagkasulat ko ng pangalan ko at ng oras ng paglog-in, iniabot ko ang ballpen kay Nickan. Napansin ko yung pangalan ng dalawang naglog-out kanina.

Pareho silang Physics major at mukhang may dalawa pa silang kasama kanina dahil iisang ink lang ng ballpen ang ginamit nilang apat sa pagfill-up.


"Tara dhie!" napatingin ako kay Nickan nang matapos na itong magsulat. Humanap na kami ng mapepwestuhan pagkapasok sa loob. Medyo nahirapan pa kaming makaupo dahil sobrang dami ng tao dito. Ano pa nga bang dapat asahan, final exams kaya lahat ay abala para mag-aral.


Nang makaupo na sa isang mesa, agad kong inilabas yung notebook ko. Mabuti na lang pala at may kopya ako ng outline ng topics namin sa bawat subjects buong semester. Ang kailangan ko na lang gawin ngayon ay alalahanin ang bawat detalye ng mga topics na 'to.

"May reviewer ka?" tanong sa'kin ni Nickan at saka tiningnan ang notebook ko. "Eh mga titles lang yan ng mga topics ngayung finals ah!"

"Oo nga, sapat na 'to sa'kin," bale-walang sabi ko sa kanya.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon