CHAPTER 23.1: The Serial Case in the 3rd District (Part 2)

2.5K 89 13
                                    

Nagpababa muna ako sa clinic na tinext sa’kin ni Nickan habang si Inspector naman ay dumiretso na sa hospital kung saan naka-confine ang third victim. Maliit lang ang clinic pero mukhang kumpleto naman at malinis ang buong facility. Napatingin ako sa babaeng dumaan sa harap ko. She was I think, in her 30’s at mukhang doctor dahil na rin sa suot nitong white doctor’s suit. 

“Excuse me miss, marami pa bang pasyente si doctora?” rinig kong tanong ng isang teenager sa attendant na nasa front desk.

“Naku, araw ng mga buntis ngayon kaya medyo marami-raming pasyente si doctora!”

“Saan po nagpapalista?”

“Dhie!” napalingon ako nang marinig ang boses ni Nhie sa likod ko. Napalingon naman ako dito.

“Let’s go?” tumango naman ito at saka kami lumabas na sa clinic. Medyo awkward pa nga dahil mga mag-asawa ang nakakasalubong namin papasok. And I think I know what’s running on their minds as they were looking at us with disappointment. Binilisan ko tuloy ang lakad para makalayo na agad sa lugar na iyon.

“Kamusta naman yung babaeng sinamahan mo?” tanong ko sa kanya habang naglalakad kami pabalik sa resort. Medyo malapit lang naman kasi mula sa resort ang clinic na pinuntahan nila. Hindi rin masyadong mainit dahil may mga puno sa tabi ng kalsada na nagsisilbing harang sa init ng araw.

“Mukhang okay naman na si Leah! Siguro nahilo lang siya dahil sa init ng panahon. Alam mo na summer, uso ang heat stroke,” nakangiti pa nitong sabi.

“Buti hindi ka pa nahi-heat stroke?” sabi ko sa kanya. Nilingon niya naman akong nakakunot ang noo.

“Bakit naman?”

“Kasi lagi kang may kasamang hot tapos hindi ka nahi-heat stroke? What a lucky girl!” nakangiti kong sabi sa kanya.

“Pfft—hindi bagay sa’yo bumanat Dhie!” napakamot na lang ako sa batok ko.  “How’s your investigation?”

“Almost solved.”

“Talaga?”

“Yeah. And I’ve got an idea who the killer might be.”

Nang maihatid ko na sa resort si Nickan ay agad kong tinawagan si Inspector Hattori para alamin ang lagay ni Ms. Megane, ang ikatlong biktima ng hinahawakan naming kaso. I ended the call after I got the answer from him. She was still unconscious.

“Dad!” sigaw ko nang makita itong pababa pa lang ng kotse. Agad akong tumakbo palapit sa kanya. Hindi pa man ako nakakapagsalita ay ibinato niya na agad sa’kin ang hawak na smart key.

“Finish the case before dinner!” Napangiti ako sa sinabi nito at saka naupo na sa driver seat.

“Just don’t let mom worked in the kitchen,” I told him then bid good bye. Pinaandar ko na ang kotse at saka bumalik sa lugar na iyon. Huminga muna ako ng malalim at saka lumapit sa front desk.

“Excuse me,” Napatingin naman sa’kin ang babaeng nasa harap ng PC. She was startled for a few seconds before she finally cleared her throat to answer.

“Y-Yes?”

“I was looking for my sister Jennica Kamoran. She left our home three weeks ago at hanggang ngayon ay hindi pa siya nabalik. Our parents are very worried lalo pa at hindi masyadong maganda ang lagay niya the last time we saw her. I was looking for her all these time at may nakapagsabi sa’kin na nagpupunta siya dito pero hindi ko pa nakukumpirma. Could you check your list for me?” I told her with a very sad voice.

“Pero bawal pong—“

“Just a little assurance that she was okay would be great…” Seriously, ang tagal ko na rin palang hindi nagagamit ang acting skills ko sa mga kasong katulad nito. I glimpsed at her as she makes sure no one is listening with us. May kinuha ito sa drawer nito at saka inabot sa’kin—a piece of paper.

Euclid Shellingford (Volume 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon