Prologue:
INSECURITY
Yan na ata ang bumubuo sa katauhan ko.......
Ewan ko ba kung bakit pero talagang ganito na ako noon pa man, naiinggit ako sa mga taong may talento
Yung mga taong magaling kumanta (matagal ko na kasi gustong kumanta)
Yung mga taong magaling sumayaw
Yung mga taong magaling umarte
At
Yung mga taong magaling magsalita sa harap
Lahat sila kinaiinggitan ko
Inggitera ata talaga ako
Kasi wala naman akong maipagmamalaki sa sarili ko
Member ako ng choir pero it doesn't mean na maganda ang boses ko kasi sakit din ako ng ulo doon
Mahilig akong umarte pero walang nakakapansin kung pangit ba o maganda ang acting ko
Pinipillit ko ring sumayaw pero parehong kaliwa ang paa ko
Isa lang ang ginagawa ko, ang magsullat ng stories, minsan na akong nagBOOM sa pagsusulat ng story pero in the end it was ruined by my auntie, plus 18 kasi ang mga sinusulat ko, there were a time na pinilit nya akong burahin ang sinulat kong kwento, pero matigas ang ulo ko at dahil feeling ko writing is my passion, eto ako nagsusulat parin ng kwento....
A/n: ang character sa story na ito ay may pagkakahawig sa akin kasi ung tinutukoy nyang story eh yung my wife is a prostitute haha masama parin ang loob ko doon eh....
"Hoy! Spell! Ano na naman ang tinutunganga mo dyan?" Tanong ni marrie
Syempre hindi naman ako forever alone, malungkot na nga ang buhay ko tapos wala pa akong kaibigan?
Oo life is unfair pero God is good kaya may friends naman ako
Hindi alam ng friends ko na ganito ako kasi mostly ipinapakita ko na masaya ako, walang problema pero deep inside i am ruined.
Si mama umaasa lang sa tulong ng tita ko kaya ako nakakapag-aral sa school na ito (wag na po nating banggitin ang school) Spellandra Love Park ang pangalan ko, wala akong lahi, (shit tzu, oo) sadyang park lang ang surname ng tatay ko. Hirap kami sa buhay, iginagapang lang ni mama ang college ko, bukod sa tulong galing sa tita ko eh may sideline din si mama.
Accounting student ako pero hindi pa ako sure kung maipagpapatuloy ko pa ang pagiging accountant ko kasi parang nanganganib na akong mapalipat sa FM (financial management) pero sana wag naman ganun
Katulad nga ng sinasabi ko kanina, insecure ako masyado, negative magisip, walang tiwala, pretender, at malungkot.
Pero heto na talaga ang kwento
BINABASA MO ANG
falling for a monster
RomanceIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...