Nangmahimasmasan si spell.
"Tara spell! Doon tayo sa V.I.P room" pagaaya ni van
Hindi na nagatubili pa si spell at agad na siyang sumama kay van.
May ilang lalaking kinausap si van at natatawang ipinasok si spell sa loob ng kwarto.
Lumabas saglit si van at nakita niya si marrie.
"Oh marrie nandito ka pala" gulat na sabi ni van
"Oo"
"Nasaan si bobby?"
"Nasa bahay na kakahatid ko lang, nandyan na ba sila sa loob?"
"Oo inutusan ko na rin yung staff na wag silang palalabasin"
---------------------------------
Spell's POV
Langong lango pa rin ako sa alak ng mapansin ko na parang nasa maliit na kwarto ako.
Lumingon lingon ako at nakita ko si stun sa tabi ko.
Umiinom at parang umiiyak.
"S-stun?"
Lumingon siya sa akin at
"Anong ginagawa mo dito?" Malamig na tanong niya.
Ayan na naman..
Para akong nagta-time travel at bumabalik ako sa time na masungit siya sa akin..
Mga oras na pinipilit kong tiisin ang lahat para sa baby ko.
Bumabalik ang lahat pati na ang nararamdaman ko para sa kanya.
"Alam ko na ang lahat. Sorry kung hindi ako naniwala" sabi ko.
Hindi kumibo si stun at uminom ng isang buong baso ng beer.
"Stun, pansinin mo naman ako? Sorry... hindi ko alam na tama ka pala... sorry talaga kung pinasa ko sa iyo ang responsibilidad ko bilang ina kay bobby"
"Tama na spell. Okay naman ang lahat hindi ba? Napalaki ko naman si bobby ng maayos kaya wag ka ng magalala" mahinang sabi ni stun.
Hindi ko kinaya ang sitwasyon at naramdaman ko na lang na tumutulo na ang luha ko.
Mahal pa rin kita!
Stun mahal kita!
Bakit ba parang ang layo layo mo sa akin?
Bakit kahit anong abot ko sa iyo, hindi ko parin magawang maabot ang tulad mo?
10 years na ang lumipas at malamang wala ka ng pakielam sa akin.
Akala ko okay na ang lahat pero hindi pa pala!
Stun! Pakinggan mo naman ako!
Hindi mo ba ako naririnig?
Stun!
Stun's POV
Hindi ko mallingon si spell.
Parehas lang naman kaming niloko ni solar pero bakit galit ang nararamdaman ko sa kanya?
Marami akong gustong sabihin sa kanya pero
Spell?
Nakikinig ka ba?
Alam mo bang ikaw ang babae na minahal ko ng ganito?
Spell?
Bakit ba napakalayo mo sa akin?
Bakit hindi na kita maabot?
Nagiba ka na talaga spell.
Hindi ko alam kung bakit pero parang naging bato na ang puso mo ngayon.
Hindi na ba ako ang mahal mo ngayon?
Author's POV
hindi nila mapigilan ang kanillang mga isip at
"Spell mahal kita"
"Stun mahal kita"
Nagulat sila sa narinig nilang dalawa.
Hindi nila inaasahan ang mga salitang sinabi nila sa isa't-isa.
Tumayo si stun para lumabas ng kwarto pero nakalock ito.
Umupo na lamang muli si stun at uminom..
Wala silang naririnig kung di ang pagkalansing ng mga yelo sa baso ni stun at ang tunog ng tumutulong alak papunta sa baso ni stun.
Ilang minuto ang lumipas..
Nadagdagan ang tunog sa kwarto nila.
Unti-unting tumutulo ang luha ni spell sa sofa at maririnig na rin ang onting hikbi ni spell.
Pero nagbingibingihan dito si stun.
Hanggang sa naubos na niya ang alak.
Tumingin siya kay spell at inangat ang ulo nito.
Pinapahidan niya ang luha pero niyakap siya ni spell ng mahigpit..
Napahiga silang dalawa dahil dito..
Hindi napigilan ni stun ang sarili at
Hinalikan niya si spell
Palalim ng palalim ang mga halik ni stun nang may marinig silang nagbukas ng pinto.
"Tara na spell" pagaaya ni stun
Hawak ni stun ang kamay ni spell habang naglalakad sila.
Nang makarating sila sa sasakyan ni stun.
Sumakay na silang dalawa sa sasakyan at
Pinaandar na ni stun ang sasakyan..
Hindi binibitawan ni stun ang kamay ni spell.
Hanggang sa hinalikan siya si spell habang kasalukuyang nagdadrive si stun.
Patuloy silang naghahalikan habang binabaybay ang highway.
At ng makarating silang dalawa sa pinaka malapit na hotel..
Agad silang nagcheck in at
Ipinagpatuloy ang mainit nilang halikan.
Hindi nila mapigilan pa ang sarili.
Nasira ni stun ang damit ni spell
Pero nagmamadali na silang dalawa.
Hindi na nila mapigilan ang init at
-----------------------------------------
Spell's POV
Nagising ako.
Sobrang sakit ng ulo ko.
Madami ata akong nainom kagabi.
"Spell?" Nagtatakang tanong ni stun.
Teka? Si stun? Nandito?
-----------------------------------------------------------
A/n: hehehehe kamusta naman to? Hahaha maganda ba? O nakakaasar? Hehehehe sarap kasi gumawa ng nakakabitin eh anyways para sa naguuluhan po. Ganito ang nangyari sa bar. Si van at marrie ang nagkasundo na ikulong ang dalawang yun sa V.I.P room well hahaha ang reason ay malalaman ninyo sa next chapter siguro. Hehehehe thanks for reading! Remember my christmas gift ah! Heheheh 5000 reads lang masaya na po ako hehehehe basta ayun kung may tanong eh kument lang hahaha wag mahiyang magkument.....
BINABASA MO ANG
falling for a monster
عاطفيةIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...