Chapter 23: Revealed

2.5K 42 0
                                    

Naglalakad ako pauwi nang may biglang humawak sa kamay ko.

"Spell! Saglit!" Hinihingal na sabi ni stun.

"Ano?"

"Ambilis mong maglakad! Buti naabutan pa kita! Kanina pa kita hinahabol"

"Ano nga yon?"

"Nga pala! Yung sa english! Di ba magkapartner tayo? Paano na?"

"Sa susunod na, hindi maganda ang pakiramdam ko"

"Sa namin"

"Wag muna ngayon please!"

Pero kahit anong pilit kong umiwas, wala akong magawa.

"So spell ganito ang gagawin natin"

".........................................."

Hindi ko magawang makinig sa kanya.

Hindi maganda ang nararamdaman ko.

Humihilab ang tiyan ko.

"Spell, nakikinig ka ba?"

Unti- unting nagdidillim ang paningin ko.

Pagmulat ko ng mata ko........

"Spell" malungkot na sabi ni stun

Hindi ako kumibo ng mapagtanto ko na nasa ospital ako.

"Kasi, sinabi ko na diba? Masama ang pakiramdam ko" sabi ko

"Wala ka talagang balak sabihin sa akin ang sitwasyon mo?"

"Anong sitwasyon?"

"Buntis ka di ba? Sino ang ama nyan?"

Hindi ako makasagot.

Gusto kong sabihin ang saitang 'ikaw' pero hindi ko magawang magsalita.

"sino? Sabihin mo na kasi may sasabihin rin akong news" sabi ni stun.

"Ano yung sasabihin mo?"

"Sabihin mo muna kung sino ang ama nyan" nagiba na ang reaksyon ni stun.

Pagkamulat ng mata ko, kalmado pa siya pero ngayon galit na siya.

Hindi ko alam kung aaminin ko ang totoo o itatago ko na lang.

Gusto kong malaman kung ano ang sinasabi niyang news.

Pero hindi ko masabi na siya ang ama ng bata.

Tumitig ako sa kanya.

Pilit kong ibinubuka ang bibig ko pero hindi ko magawa.

Author's POV

Tumakbo si spell palabas ng kwarto niya.

Hindi niya alam ang gagawin.

Hindi niya alam kung paano sasabihin ang lahat kay stun.

Natatakot si spell dahil baka magalit si stun.

Natatakot siyang baka saktan siya muli nito katulad noon.

Nakarating si spell sa llabas ng ospital at nabunggo siya ng isang sasakyan.

------------------------------------------------------------------

"Bilis! Dalhin nyo sa OR! Dali! Nasaan si dr. Perez? Dali! Maraming dugo na ang nawala sa kanya!" Sabi ng mga nurse.

Hindi na mapakali si stun.

Naalala niya noong makita niyang mabundol si spell.

At "ikaw" ang huling nasabi ni spell kay stun bago ito tuluyang mawalan ng malay.

Alam na niyang siya ang ama ng batang dinadala ni spell.

Pero ngayon, mukhang mawawala muli sa kanya ang bata.

Katulad noon, mawawala muli si spell...

Hindi na alam ni stun ang gagawin niya.

Nagsisisi siya kung bakit pinagseselos pa niya si spell.

Hindi niya alam na buntis ito.

Lumabas na ang doctor....

"She's okay" sabi ng doctor.

At pumasok na si stun sa kwarto ni spell.

Tulog ito at pinagmasdan niya ang mukha nito.

Marami siyang gustong sabihin.

Gusto niyang aminin ang nararamdaman niya pero hindi niya magawa.

Natatakot siya na baka hindi na siya mahal nito.

Maya maya humahangos si solar at binuksan ang pinto.

"Spell! Anong nangyari?" Nagaalang sabi ni solar.

"Ikaw ba ang boyfriend niya? Okay na siya medyo may onting injury pero everything is fine, even the baby is fine" sabi ng doctor.

Hindi na nakakibo si stun dahil sa sobrang pagaalala ni solar kay spell.

Para na siyang natatabunan doon.

At nang magising si spell.

"Spell! Ano kamusta na?" Tanong ni stun

"Okay naman" sagot ni spell.

"Spell, ano? May gusto ka bang kainin?" Tanong ni solar

"Wala naman" sagot ni spell

Gustuhin man ni stun na tabihan si spell at hawakan ang kamay nito pero naunahan na siya ni solar.

Minabuti na niyang umalis.

Pero hindi parin nawawala ang selos na nararamdaman niya.

-----------------------------------

Spell's POV

Napansin ko na wala na si stun..

At si solar naghahanda ng makakain.

"Solar si stun?" Tanong ko

"Umuwi na ata, hindi ko na napansin eh" sagot ni solar

-----------------

Habang kumakain kami...

Author's POV

Napapansin ni solar na nakatitig si spell sa kanya, waring may gustong sabihin.

"Ano yon?" Tanong ni solar.

Napalunok si spell at huminga ng malalim

"Solar, kakapalan ko na ang mukha ko, ano kasi, ah-"

"Sabihin mo na"

"Solar pwede bang umalis tayo ng bansa?"

Nagulat si solar

"Sure ka dyan?"

"Oo, okay lang?"

"Oo naman! Iniintay ko lang sabihin mo yan"

----------------------------------

A/n: medyo magulo ata itong chapter na ito hahaha tatanga tanga si spell hahaha well epal naman si solar kakaazar. Anyways i am trying to equalize the things hahaha ewan ko ba kung bakit medyo busy ako hahaha at hirap akong magpublish ng chapter haha ayon thanks for reading ah... and sa mga naguguluhan comment lang po.....

falling for a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon