Spell's POV
Nakarating na kami sa isang rest house sa tagaytay at sobrang ganda dito.
Habang naglalakad ako papunta sa loob ng bahay.
Bumulaga sa akin ang isang taong hindi ko nais makita.
Si bambi.
"Hi spell, did you enjoy na video?" Tanong nito.
"Sort of" sagot ko
"Nice dress, mukhang nagpapaganda ka ata?"
"Yes i am, stun has a surprise FOR ME"
"You sure? Cause i haven't seen him here, not even his shadow"
Author's POV
"ANO? Wala si spell sa bahay? Saan siya nagpunta?" Tanong ni stun kay manang
"May sumundo po sa kaniya, ang sabi may supresa daw po kayo sa kanya"
"Anong supresa? Wala akong ginagawang ganon? Saan daw ba nagpunta?"
"Ay hijo hindi ko alam, hindi ko na natanong dahil masyadong excited ang asawa mo"
Umalis si stun at nagpunta kila jiro.
"Pare bakit nandito ka? Hindi ba dapat kasama mo si spell?" Tanong ni jiro
"Saan nagpunta si spell?"
"Bakit hindi mo alam?"
"HINDI AKO ANG NAGPASUNDO SA KANYA! NGAYON SABIHIN MO KUNG SAAN SIYA NAGPUNTA!"
"Ang sabi niya sa akin sa tagaytay daw"
------------------
Hindi na nagsayang ng oras si stun at agad na nagpunta sa tagaytay.
_--------------------------------
"What?" Tanong ni spell
"He's not here, sige na ipasok nyo na yan sa loob" sabi ni bambi.
At kinaladkad si spell ng mga lalaki papasok sa rest house.
Pinilit niyang sumigaw para humingi ng tulong pero, walang nakakarinig sa kanya.
Itinali na siya at nilagyan ng busal para hindi makapagsalita.
Maya maya, nagpunta si bambi sa kanya at.
"Kawawa naman si spell, akala niya susurpresahin sya ni stun eh hindi naman" pangaasar ni bambi.
Sinampal ni bambi si spell
"Malandi ka kasi! Akala mo ba papatulan kang boyfriend ko? Gumising ka nga! Hindi ka mahal nun at kahit kelan, kahit na ikaw na lang ang babae sa mundo, hindi pa parin gugustuhin ni stun! kaya lang naman siya nandyan dahil dyan sa baby mo!"
Hindi na kumibo si spell at hanggang sa makatulog ang lahat, pati ang nagbabantay sa kanya.
Pinilit niyang putulin ang lubid na nakatali sa mga kamay niya at nang maputol na ito.
Dahan dahan siya lumakad palabas.
"Si spell nakatakas!"sigaw ng isang lalaki.
Tumakbo si spell pero naabutan siya ng mga lalaki at itinali muli siya.
"Tatakas ka pa ah!" Sabi ni bambi
"Sige bugbugin nyo" sabi ni bambi
"Pero ma'am buntis po siya" sagot ng isang lalaki
"That's exactly what i want! Patayin nyo ang bata pero wag nyo munang patayin si spell" sabi ni bambi.
Pinilit ni spell na kumawala pero hindi niya magawa.
Nakatulog na siya at...
Nagising siya sa pagbuhos sa kanya ng malamig na tubig.
Wala na siyang tali sa kamay niya.
Kaya habang hindi nakatingin ang mga tauhan ni bambi.
Nagmadali na siyang tumakbo palabas pero sinalubong siya ng isang lalaki
"Saan ka na naman pupunta?" Sabi ng lalaki at itinulak siya nito papasok sa rest house.
"Ma'am nababalak na naman siyang tumakas" sabi ng lalaki kay bambi.
Lumapit si bambi kay spell at sinambunutan ito.
Sinampal ng sinampal ni bambi si spell hanggang sa magang maga na ang mukha ni spell.
"Ano? Tatakas ka pa?" Nanggigigil na sabi ni bambi.
"A-ano ba talaga ang gusto mo? Bakit ba ako nandito?" Tanong ni spell
" sige, sasabihin ko na, tutal baka hindi mo na abutin ang kinabukasan eh, sagabal ka kasi sa amin ni stun kaya"
Iniwan ni bambi si spell at pinabayan na si spell sa mga lalaki.
----------------------
A/n: hay..... sana magandahan kayo dito hahahahaha hindi ako masyadong satisfied sa chapter na ito well paganahin nyo na lang ang imaginations nyo para magets ninyo, this gonna be a long chapter guys.... enjoy reading
BINABASA MO ANG
falling for a monster
Roman d'amourIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...
