Chapter 36: watermelons.... (something suspicious)

2.3K 36 0
                                    

Author's POV

lumabas ng kwarto si stun.

nagtataka siya kung bakit niya ginawa ang bagay na iyon.

bakit siya nagaalala kay spell ng ganon.

samantala....

Marrie's POV

so sobra na naman magdrama ang stun na ito!

stun! mahal mo si spell!

wala ka nang dapat ipagtaka pa doon!

pumasok na ako sa kwarto ni spell para dalhan siya ng pagkain nang makita ko siyang umiiyak.

"anong nangyari?" tanong ko

pero hindi siya kumibo at agad na pinunasan ang luha niya

"wala, napuwing lang ako" sagot niya

"pwede ba? lumang dahilan na yan eh! dahil ba sa nalaman mo? na hindi ka na magkakaanak?"

tumungo si spell

hindi ko naman alam kung anong gagawin kong paraan para mapagaan ang loob niya eh kaya niyakap ko na lang siya.

"wala na...." humihikbing sabi ni spell

"anong wala na?"

"wala na kong dahilan para balikan pa si stun"

"ano bang sinasabi mo?"

"marrie! ndi na kami magkakaanak pa! isa pa, sabi rin niya noon magkalimutan na daw kami... kaya sana wag mo na masabi ito sa iba ah... please marrie! wag mong ipapaalam ang bagay na ito!"

naawa ako kay spell nung mga oras na iyon.

ayokong nakikita siyang ganyan.

alam kong maramu siyang hirap na dinanas kay stun noon.

pero pilit parin siyang ngumingiti kahit na nasasaktan siya.

akala ko after 10 years eh magbabago siya at mas magiging totoo sa sarili niya pero.

hanggang ngayon pala siya pa rin ang dating spell na mahilig magtago ng mga bagay.

"sige spell" sabi ko.

Author's POV

bumalik si stun sa kwarto ni spell na may dalang watermelon

"ano yan? bakit nagdala ka ng ganyan?" tanong ni spell

nahalata ni stun na bagong iyak si spell pero hindi na niya ito pinansin.

"hindi ba nalipasan ka ng gutom? maganda ang watermelon sa dehydration" sabi ni stun

"ah stun... tutal nandito ka na rin lang eh siguro ikaw na ang magbantay kay spell kasi may pasok pa si jd bukas at kailangan ko ng umuwi. please?" pagpapaalam ni marrie

tumungo si stun at umalis na si marrie.

sinimulan nang hiwain ni stun ang watermelon

habang pinagmamasdan ni spell ang paghiwa sa watermelon.

hindi niya maiwasang hindi matakam.

hanggang sa unti unti na siyang nagcrave dito.

at agad na niyang kinuha ang nahiwang parte ng watermelon.

"mukhang gustong gusto mo ang watermelon ah?" natatawang sabi ni stun.

"oo kaya bilisan mo na dyan" masungit na sagot ni spell.

"yes ma'am" masayang sabi ni stun.

---------------------

sa office

"ms. spell what do you think about this one?" tanong ni stun kay spell

nakalabas na ng ospital si spell.

at balik na siya sa trabaho kasama si stun.

"yeah maganda siya" sagot ni spell

balik silang dalawa sa katagang "NO FEELINGS ATTACHED"

matapos ang trabaho...

uuwi si spell sa hotel room niya dahil hindi pa tapos ang condo.

"wait ms. spell! pwede pa ba tayong magusap? ihahatid na lang kita, if ever" sabi ni stun.

sumunod si spell at

sumakay sila sa sasakyan.

"ano ba iyon?" tanong ni spell

"alam na ba ni bobby ang totoo?" tanong ni stun

"hindi ko alam? bakit ako ang tinatanong mo?"

"eh tayong tatlo lang nila solar ang may alam nito hindi ba?"

"oo"

"spell, may alam na si bobby tungkol dito"

"eh anong gagawin ko kung alam niya? bakit? ayaw mo bang ipaalam ang totoo sa kanya?"

"hindi naman sa ganoon pero hindi pa kasi ito ang tamang panahon"

"eh kelan? kelan mo balak sabihin ang katotohanan? kapag may asawa at anak na siya?"

akmang sasaktan ni stun si spell pero pinigilan ni stun ang sarili

"wag mo akong iinsultuhin!"

"bakit? naiinsulto ka na ba? sorry ah!" sabi ni spell

"sinabi nang-"

"sige! sige ituloy mo! saktan mo ako! sige!"

pero imbis susuntukin ni stun si spell....

hinalikan niya ito...

at lumalim ang halikan nila.

"come back to me" sabi ni stun

lumayo si spell at nagtangkang lumabas ng sasakyan ni stun.

pero pinigilan siya ni stun.

"saan ka pupunta?"

"stun, sabi mo noon kalimutan na natin ang isa't isa di ba? ano na naman ito? tigilan mo na ako" sabi ni spell

a/n: hehe bitin na naman ata hahahahahaha ay ewan! basta yan ang laman ng utak ko ngayon hehehehe may surprise kasi ako nyan sa inyo! haahaha be ready hehehe kasi baka sa 25 ko siya ipupublish hehehehe ang busy busy ko kasi eh hehehe alam mo naman kapag choir tapos christmas... medyo full force sa simbahan.... anyways enjoy.reading!

falling for a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon