Chapter 12: Stun's History

2.7K 54 3
                                    

Spell's POV

pagkagising ko wala na si stun sa tabi ko.

"hija, gising ka na pala, tara dito sa kwarto ko." sabi ng mama ni stun.

Pagpasok ko sa room nila.

"bakit po tita?"

"mama, mama ang itawag mo sa akin"

"po?"

"asawa ka ng anak ko kaya anak na rin kita"

"s-sige po, mama"

Nakaupo ako sa kama nila ng may inilabas na photo album ang nanay ni stun.

"this" ipinakita ito ni mama sa akin. 

Doon nakita ko ang batang stun.

Mabait at nakapakaamo ng mukha ni stun noong maliit pa siya.

Pero iba ang kasama niyang lalaki sa picture.

"sino po siya?" tanong ko.

"siya ang tunay na tatay ni stun." sagot ni mama

"pero si mr. Choi po?"

"iniwan kami ng tatay ni stun noon."

"at nakilala nyo po si mr. Choi?"

"oo, kaya ata medyo galit sa mundo si stun dahil sa ginawa ng tatay niya sa amin. Simula noon, ayaw na niyang iniiwanan. Kaya spell, wag mo siyang iiwan ah"

"opo" 

--------------------

Lutang ako na naglalakad pabalik sa room namin ni stun.

"spell? Okay ka lang?" tanong ni stun

"oo" sagot ko

Hindi ko maisip na hindi pala si mr. Choi ang talagang tatay niya.

Kaya pala kahit na anong ginagawa niya sa akin eh hindi ko siya magawang malimutan.

Dahil parehas pala kaming walang tatay.

"spell, nakikinig ka ba? Bakit kanina ka pa nakatulala dyan?" tanong ni stun.

"pasensya na stun, may iniisip lang ako"

"sino? Si van?"

"hindi" 

"gusto mo si van di ba?"

"hindi ah"

"alam ko naman na gusto mo siya eh, marami akong alam tungkol sa iyo spell"

At marami rin akong mga bagay na alam tungkol sa iyo.

"eh di alam mo"

"sige iwan mo na ako at doon ka na sa van mo!"

"aalis talaga ako!"

-------------------------

Naglalakad ako papuntang kung saan.

Naiinis ako kay stun.

Hindi ko alam kung nagseselos ba siya o ewan.

Kaya naglalakad ako papuntang kung saan. 

Kung saan walang stun.

Hindi ko alam kung nasaan na ako.

Ang nakikita ko lang ay mga taong naglalakad sa parang mall doon.

"spell" tawag ng isang tao sa likod ko.

"oh? Van" sabi ko.

"anong ginagawa mo dito? At nasaan si stun?"

"wala, gusto ko lang naman maglakad lakad dito."

"ah kabisado mo ba ang lugar?"

"hindi"

"baka maligaw ka nyan? Sige sasamahan kita"

"talaga?"

"yeah, friend ka ni gian di ba? So friend na rin kita" 

"sige, tara! I-tour mo na ako sa buong mall"

"buong mall talaga? Aabutin tayo ng gabi dito"

"that's exactly what i want!"

--------------------

At kung saan saan kami nagpunta.

Sa coffee shop, sa dress shops at marami pa.

Naging masaya ang nangyari sa akin ngayon araw.

Masaya pala kasama itong si van.

At nalimutan ko si stun saglit dahil kay van.

"sige uuwi na ako" sabi ko.

"for sure hindi mo alam kung paano bumalik sa hotel mo kaya ihahatid na kita"

Pagdating namin ni van sa hotel. 

"dito ka rin pala" sabi ni van

"spell" malamig na sabi ni stun

"s-stun ah nandito ka pala"

"sige spell, next time ulit ah" sabi ni van at naiwan kami ni stun sa lobby.

"spell" sabi ni stun

"tara na" sabi ko

Pagkarating namin sa kwarto.

Inaasahan kong itutulak ako ni stun

Pero

"bakit kasama mo si van?" tanong ni stun

"nagkita kasi kami sa mall kanina, muntik na kasi akong maligaw"

"sino ba kasi ang may sabing umalis ka?" 

"kasi naman! Lahat ng bagay tungkol sa akin inaalam mo, pati ba naman crush ko inaalam mo"

"ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba?" sabi ni stun at lumabas siya.

Ano ang sabi niya?

Ganun naman talaga kapag mahal mo ang isang tao diba?

Hindi ko maintindihan ang nangyayari.

-------------------------

A/n: ampanget ata ng chapter na ito. Kasi naman medyo nakaka out of place ang mga friends ko kasi readers sil tapos ako writer tapos puro ung mga binabasa nila ang pinaguusapan nila kaya medyo tameme ako. Hahaha eto pala yung feeling ng ex friend namin. Hahaha pero i can bear with it naman. Siguro haha kakayanin to 

haha adjust adjust din pag may time. Hahaha kagaya ng mga sinasabi ko noon promote po natin ito para fanahan ang writer. Hahaha nakakabroken hearted naman ito. Hay sana wag naman ako mag u turn haha bear with me guys hahaha kakayanin ko to ang drama ko na naman..... Enjoy reading....

falling for a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon