Chapter 22: Separation?

2.6K 40 1
                                    

"Spell, ayaw mo talagang sabihin yan kay stun?" Tanong ni marrie

"Ayoko, mahirap na, baka maghiwalay pa sila ng girlfriend niya"

"What? Eh di ba nagseselos ka sa kanila? Dont you think na this is the right time na sundin mo naman ang puso mo? Cause you're always pretending you are okay when stun is there pero ang totoo, gusto mo ng patayin yung girlfriend niya"

"Its his fiance' at wala akong magagawa doon"

"What do you mean fiance'? Hindi ba mag-asawa kayo? Then fiance'?"

"Annuled na kami, kaya pwede na siyang magkaroon ng bago"

"Paano ang parents nyo? Alam ba nila ito?"

"Hindi pa"

"Eh paano yun?"

"Ewan ko"

"You should do something, iniwan ka ng tatay mo nung maliit ka pa hindi ba? I am sure you dont want that child to grow without a father."

Tama si marrie.

Napaisip si spell dahil dito.

Pero kahit na gusto niyang sabihin ang lahat kay stun, hindi niya magawa.

Natatakot siyang masaktan.

Masakit na para sa kanya ang nakikita niyang masaya si stun sa piling ng iba pero alam niyang mas masakit kapag nakita na niya ang reaksyon ni stun kung malalaman nito na buntis siya.

-----------------------------------------------------------------------------------------

"Spell, kamusta ang baby? May gusto ka bang kainin?" Tanong ni solar

"Wala, okay lang ako, salamat. Hindi kasi ako ang naglilihi"

"What do you mean?"

"Si stun ang naglilihi para sa akin."

"Oh? Sige, magpahinga ka na at aayusin ko dinner natin"

Napapadalas si solar sa dorm ni spell.

Araw-araw niya itong binibisita at kung minsan ay sinusundo pa niya ito sa school. Hindi niya hinahayaan si spell na magutom o mapahamak.

Kung ikukumpara kay stun noon, di hamak na concern si solar kaysa kay stun.

Halos ayaw na pagalawin ni solar si spell at kung titignan mo sila, mukha silang bagong kasal.

Sweet sila. At hindi makakaila na bagay silang dalawa.

"Spell kain na tayo" sabi ni solar

Habang kumakain sila.

"Solar, salamat ah, salamat sa lahat" sabi ni spell

"Ayos lang, pinapaalagaan ka rin naman kasi ni jiro sa akin, at isa pa concern talaga ako sa baby mo"

Spell's POV

Sana ganito rin kami ni stun noon.

Masaya.

At may concern sa isa't-isa.

Pero kagaya ng sinabi ni solar, hindi na nga ako mahal ni stun.

Minahal ba talaga niya ako?

Totoo ba ang sinabi niya noon? Na mahal niya ako at kailangan niya ako?

"Spell? Nakikinig ka ba?" Tanong ni solar

"Sorry nasaan na nga ba tayo?" Tanong ko

"Wala, kinukwento ko lang yung pasiyente namin dati na fan ni jiro, madalas kang tulala spell, may problema ba?"

falling for a monsterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon