"Si stun talaga kahit kelan" sabi ni jiro kay spell
"Naku, ako ang nakipaghiwalay, hindi si stun, teka jiro bakit nandito ka?"
Jiro's POV
Si spell ang nakipaghiwalay?
akala niya siguro makikipagbalikan pa si stun kay bambi pero
Hindi ba sinabi ni stun ang feelings niya kay spell?
"Ah! Oo nandito ako para tignan kung kamusta ang mga tenants ko, akin kasi itong dorm" sagot ko
"Ah, sige jiro mauna na ako ah, at sana wag mo nang masabi kay stun na nandito ako"
"Sige"
Bakit kaya ayaw niya ipaalam kay stun na nandito siya?
Spell's POV
Phone rings
Gustuhin ko mang sagutin ang phone pero hindi pwede,
(Spell iwasan mo na si stun.)
(Tapos na kayo.)
(Malamang tumatawag lang siya dahil doon sa annulment papers.)
Pero kahit anong pilit kong isipin ang mga bagay na ito
Hindi ko namalayan ang sarili ko at napindot ko ang answer button.
"Spell! Bakit ka umalis? Nasaan ka ba? At bakit ngayon mo lang sinagot ang tawag ko? Spell bakit ka makikipag-annul? May nagawa ba ako? Spell nasaan ka ba? Wag mo akong iwan! Spell mahal na kita eh! Hindi ba nangako kang hindi mo ako iiwan? Bakit ganito? Bumalik ka na dito sa bahay please! Spell, naririnig mo ba ako? Bakit hindi ka sumasagot? Spell wag mo akong iwan please?" Ibinaba ko na ang phone
Hindi ko na siya napakinggan pa.
Halata sa boses niya na umiiyak siya.
At hindi ko kayang marinig pa ang boses niya na ganoon..
Dahil kung nasasaktan siya, mas lalo akong nasasaktan.
Pilit kong kinakalimutan ang mga alaala naming dalawa pero hindi ko magawa.
Bawat ala ala parang unti unti nitong winawasak ang puso ko.
Masakit na maalala pa si stun.
Dahil alam kong hindi kami pwede.
Humihilab ang tiyan ko.
Hindi ko alam kung bakit, pero hindi ako halos makahinga ng maayos.
"Spell? Anong nangyari?" Tanong ni rica
"Wala, medyo masakit ang ang tiyan ko"
"Sigurado ka? Gusto mo dalhin na kita sa ospital?"
"Wag na"
-----------------------------
Jiro's POV
"Pare, iniwan na talaga ako ni spell" sabi ni stun
"Pare baka may maganda namang dahilan si spell?"
"Kung meron dapat sabihin niya"
-----------------------
Kinabukasan nagpunta muli ako sa dorm para bisitahin si spell.
Pero sabi ng kasama niya sa dorm nasa school daw siya.
Kaya sinundo ko siya doon.
"Spell" pagtawag ko sa kanya
"Oh jiro, nandito ka pala" sabi ni spell
BINABASA MO ANG
falling for a monster
RomanceIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...