chapter 29:
------------------------------------------------------
Spell's POV
"tara na spell" pagaaya ni solar
"sige stun, salamat sa pagpapatulog kay spell dito ah" sabi ni solar.
pagdating namin sa sasakyan ni solar
hindi ko magawang tignan ang mata ni solar..
nahihiya ako.
naging taksil ako sa kanya dahil inuna ko ang sariling kagustuhan ko.
and tawag ng puso ko.
"oh spell bakit ang tahimik mo?" tanong ni solar.
"sorry, medyo masakit kasi ang ulo ko. nga pala alam mo bang may anak na pala si stun?"
hindi nakakibo si solar
"helloo? solar?"
"ah oo si stun may anak na si bobby... nagkita na ba kayo? may nakwento ba si stun sa iyo?"tanong ni solar
bakit masyadong maraming tanong si solar?
at bakit balisa siya ng masabi ko ang tungkol kay bobby?
"wala naman bakit? may dapat ba akong malaman?"
"wala, wala naman"
pagdating namin sa condo unit ni solar
"spell, I have to go, may emergency sa hospital eh" sabi ni solar
"s-sige"
pagalis ni solar
tumawag biglang si marrie, nagaaya siya na magshopping.
---------------------------------------
"naku spell marami kang hindi alam! sana nagparamdam ka naman noon! tuloy na miss mo ang wedding ko" sabi ni marrie.
5 years na rin silang kasal ni dj....
nabalitaan ko lang ng magpasurprise party si solar.
"Sayang nga eh" sagot ko.
"oh wait! anong oras na? si jd susunduin ko"
"jd?"
"my daughter"
nalungkot ako ng malaman kong may anak na rin pala si marrie
naiwan na nila ako...
si stun may anak na at si marrie at dj meron na rin.
kung buhay siguro ang anak ko, hindi na siguro ako makakaramdam ng sakit.
hindi sana ganito ang nararamdaman ko.
-------------------------------
"jd this is tita spell" sabi ni marrie
"hi jd"
naluluha ako ng makita ko si jd.
"tita spell!" sigaw ng bata sa likod namin.
paglingon ko, nakita ko si bobby.
"hi tita spell!" pagbati ni bobby sa akin.
"bobby, where is your dad?" tanong ni marrie
"he's coming, um tita spell can you buy me some ice cream?"
hinawakan ni bobby ang kamay ko at hinatak ako sa may ice cream stand
Hindi ko alam kung bakit pero magaan ang loob ko sa bata.
nakikita ko sa kanya ang anak ko..
kung nabubuhay pa siya malamang kasing edad siya ni bobby.
"salamat sa pagaalaga kay bobby" sabi ni stun.
"wala iyon stun, sige mauna na ako" sabi ko pero hindi binibitawan ni bobby ang kamay ko.
"I want to be with tita spell dad! please?" pagmamakaawa ni bobby.
ngumiti si stun sa anak niya at tumango.
hinatak ako ni bobby sa playground at sumunod doon sina stun at marrie.
"spell, we have to go, sige maiwan ko na kayo ni stun ah" sabi ni marrie
naiwan kaming naglalaro ni bobby sa playground.
"alam mo bobby kung buhay lang ang baby ko ngayon, kasing edad mo na rin siya" sabi ko.
Stun's POV
masaya si bobby ngayon, gustuhin ko mang iuwi na si bobby pero mas pinili ko ng makasama niya ang nanay niya.
"ah bobby I think we should go home now, its getting late" sabi ko.
"but dad!"
"its okay, we can treat tita spell for dinner right?" sabi ko.
napatingin ako kay spell.
ganoon pa rin siya, katulad ng dati
"oo sige, oo na" sagot ni spell.
matapos namin. kumain, inihatid ko na si spell sa condo nila.
"sige na say bye na kay tita" sabi ko
"bye tita" sabi ni bobby..
ikiniss ni bobby si spell at
"bye spell, salamat ah" sabi ko
"wala yon, ako nga ang dapat magpasalamat kasi pag kasama ko yang si bobby, feeling ko kasama ko na rin ang anak ko." sabi ni spell.
------------------------------------------------------
a/n: hay!! may good news ako! pero may bad news din haha first good news haha the good news is kakaupdate ko lang ng wattpad app ko at pwede na pala ang italize at bold so mas madaling basahin at ung bad news is mallapit na ang finals ko hahaha kaya hindi ako makakapagupdate ng bagong chapters hahah aral aral din po kasi nanganganib akong matanggal sa accounting
huhu :( ayon sana maganda ang result ng finals koo.... tapos start na ng simbang gabi next next week so ayon talagang medyo delay ang UD but please bear with me hahah once the finals over, I promise I'll stay up till midnight for this hahaha ganyan ko kamahal ang readers ko hahaha...
BINABASA MO ANG
falling for a monster
RomantikIsang malaking responsibilidad ang paggiging magulang. pero paano kapag dumating ang responsibilidad mong ito ng hindi inaasahan? kung kelan hindi ka handa at wala kang ibang magagawa kung hindi ang pakasalan ang isang katulad ni stun na napakasungi...